Magandang panimula para sa Cignal HD Spikers
Laro sa MIYERKULES
(Cuneta Astrodome,
Pasay City)
2 p.m. – PLDT vs Petron (women’s)
4 p.m. – Air Asia vs Cignal (women’s)
6 p.m. – Instituto Estatico Manila vs Via Mare (men’s)
MANILA, Philippines - Binigo ng Cignal HD Spikers ang asam na magandang panimula ng Systema Active Smashers sa kinuhang 25-14, 25-17, 17-25, 23-25, 15-13 panalo sa pagsisimula kahapon ng 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Tatlo lamang sa kabuuang 28 puntos ang ginawa ni Gilbert Ablan at tampok dito ang mga pamatay na atake sa deciding fifth set para hawakan ng HD Spikers ang 1-0 kalamangan sa limang koponan sa men’s division sa ligang inorganisa ng Score at handog ng PLDT Home DSL.
“He carried us in the fifth set,†wika ni Cignal coach Michael Carino patungkol sa 21-anyos na si Ablan.
Huling dikit ng Systema na pumangalawa sa dibisyon sa PSL Gran Prix, ay sa 12-13 bago nagpa-kawala ng kill lsi Ablan para ilagay sa match point ang HD Spikers.
Gumanti ng sariling atake si John Depante pero hindi na nagpaawat pa si Ablan sa matingkad na spike tungo sa panalo.
“The PSL is very competitive league at hindi ka nakakasigurado ng panalo kahit nakuha mo ang two sets,†ani pa ni Carino.
Sina Howard Mojica at Jay Dela Cruz ay tumapos pa bitbit ang 16 at 13 puntos para sa Cignal.
Ang bawat panalo ay may kaakibat na puntos para madetermina ang rankings ng limang koponan. (AT)
- Latest