^

PM Sports

Sweep tangka ng NU, Adamson

AT - Pang-masa

Laro NGAYON

SEMIFINALS

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – UST vs NU

4 p.m. – FEU vs Adamson

 

MANILA, Philippines - Walisin ang mga katapat ang balak gawin ngayon ng nagdedepensang kampeon National University Lady Bulldogs at Adamson Lady Falcons sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 First Confe-rence sa The Arena sa San Juan City.

Unang sasalang sa court ang Lady Bulldogs laban sa UST Tigresses ganap na ika-2 ng hapon bago sundan ng labanan ng Lady Falcons at FEU Lady Tamaraws dakong alas-4 ng hapon.

Kailangan na lamang ng NU at Adamson na manalo pa ng isa upang selyuhan ang pagkikita sa Finals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Umani ang Lady Bulldogs ng 25-20, 25-23, 22-25, 25-22 panalo sa UST noong Linggo sa larong dapat ay natapos sa straight sets.

Umangat ang NU sa 5-0 sa third set pero nag-relax ang mga ito para maagaw ng Tigresses ang panalo.

Dahil dito, nais ni coach Ariel dela Cruz na ilabas ng koponan ang kanilang killer’s instinct dahil gagawin ng Tigresses ang lahat ng makakaya para maipanalo ang laro at maihirit ang do-or-die Game Three.

Sina Dindin at Jaja Santiago ang siyang mangunguna uli sa NU matapos magsanib sa 33 puntos pero malaki ang maitutulong ng mga reserves sa hanap na panalo.

Hindi pa tiyak kung maglalaro si Aiko Urdas na nagkaroon ng left knee injury sa Game One pero hindi mararamdaman ang kanyang pagkawala kung gagana pa ang  laro  ni Rizza Jane Mandapat na gumawa ng apat na blocks tungo sa anim na puntos sa fourth set.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

AIKO URDAS

FIRST CONFE

GAME ONE

GAME THREE

JAJA SANTIAGO

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with