^

PM Sports

Isa pang bagong record kay Pacheco

RCadayona - Pang-masa

SANTA CRUZ, Laguna, Philippines – Sa ikalawang sunod na araw ay nagposte ng bagong Palarong Pambansa record si Bryan Jay Pacheco ng Central Luzon, habang dalawang bagong marka ang naitayo sa swimming event.

Naghagis ang 17-an-yos na si Pacheco ng bagong markang 62.47 metro para angkinin ang gintong medalya sa se-condary boy’s javelin throw sa athletics event ng 2014 Palarong Pambansa kahapon dito sa Laguna Sports Complex.

“Hindi ko po talaga ine-expect na mananalo ako ng dalawang gold tapos record-breaker pa,” sabi ni Pacheco, binura ang luma niyang 57.81m sa 700-kilogram na kanyang inilista noong nakaraang taon para sa gold medal.

Ang iba pang nanalo ng ginto sa kani-kanilang mga event ay sina Martin James Esteban ng Central Luzon sa secondary boys’ triple jump (14.31m), Mary Anthony Diesto ng Western Visayas sa  se-condary girls’ long jump (5.39m), John Paul Plo-meda ng Western Visayas sa elementary boys’ discuss throw (28.83m), Wilfredo Paloracio ng CALABARZON sa boys’ triple jump (11.69m), Estelle Jean Bernales ng Western Visayas sa elementary girls’ triple jump (10.59m) at Marizel Buer ng SOCCSKSARGEN sa shot put (10.54m).

Sa swimming, sinira nina Imee Joyce Saavedra at Seth Isaak Martin ng National Capital Region ang mga Palarong Pambansa marks sa elementary girls’ 200m freestyle at boys’ 100m backstroke, ayon sa pagkakasunod.

Inirehistro ni Saavedra ang bagong record na 2:16.72 para burahin ang lumang 2:18.86 ni Cathe-rine Bondad na itinayo noong 2010, habang nagsumite si Martin ng markang 1:07.21 para basagin ang 1:07.56 ni Evan Gravador na inilista noong 1998.

Nagwagi rin ng ginto sa kanilang mga events sina Emilio Jose Viovicente ng NCR sa elementary boys’ 200m freestyle (2:12.96), Maurice Sacho Illustre ng NCR sa se-condary boys’ 400m freestyle (4:19.47), Christine Jhoy Mendoza ng NCR sa secondary girls’ 400m freestyle (4:47.54) at Bhay Maitland Newberry ng CALABARZON sa elementary girls’ 100m backstroke (1:12.89).

Kagaya naman ni Pacheco, kumuha din ng da-lawang ginto sa kanilang mga events sina Mary Queen Ybanez ng Ilocos Region sa secondary girls’ 30m at 40m sa archery, Aldrin Apuyan ng NCR sa elementary artistic individual all-around at team,  John Ivan Cruz ng NCR sa secondary boys’ artistic at all-around, sina Daryl Unix Santillan ng NCR at Marie Antonette San Die-go ng CALABARZON sa secondary boys’ at girls’ individual.

ALDRIN APUYAN

BHAY MAITLAND NEWBERRY

BOYS

BRYAN JAY PACHECO

CENTRAL LUZON

CHRISTINE JHOY MENDOZA

PACHECO

PALARONG PAMBANSA

WESTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with