Muhammad Ali kay Mayweather: ‘Labanan mo na si Pacquiao’
MANILA, Philippines - Ilang minuto matapos ang majority decision win ni Floyd Mayweather, Jr. kay Marcos Maidana ay kaagad nagpahatid ng mensahe si boxing legend Muhammad Ali sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
Sinabi ni Ali na dapat nang labanan ni Mayweather si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
“Congratulations @FloydMaywea-ther. Maybe after you rest up we can see you rumble with @MannyPacquiao! #AliTweet,†sabi ni Ali sa kanyang Twitter account na (@MuhammadAli).
Tinalo ni Mayweather si Maidana para idagdag sa kanyang suot na World Boxing Council (WBC) welterweight crown ang dating hawak na World Boxing Association (WBA) title ng Argentinian boxer.
“It was a tough, competitive fight,†ani Mayweather. “I normally like to go out there and box and move. But he put pressure on me. I wanted to give the fans what they wanted to see so I stood and fought him.â€
Gusto ni Ali, ngayon ay 72-anyos at dating world heavyweight champion, na sagupain ng 37-anyos na si Mayweather ang 35-anyos na si Pacquiao na siyang inaabangan ng mga boxing fans sa buong mundo.
Tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather super fight dahil sa iba’t ibang isyu.
Sa pagkakabati nina Bob Arum ng Top Rank at Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions ay sinasabing maitatakda na ang banggaan nina Pacquiao at Mayweather.
Ang Golden Boy ni De La Hoya ay co-promoter ng American world five-division titlist.
Kumpiyansa si Ali, nagposte ng win-loss-draw ring record na 56-5-0 kasama ang 37 knockouts, na mapaplantsa ang Pacquiao-Mayweather mega bout sa susunod na taon.
- Latest

















