Kailangang magdesisyon agad si Silver
MANILA, Philippines - Lalong dumami ang nagalit sa ra-cist comments diumano ni Los Angeles Clippers owner Donald Sterling at ngayon ay may mga kumpanya nang binabawi ang kanilang sponsorship deals sa team at naniniwala si coach Doc Rivers na may malaking sasabihin ang NBA ukol sa eskandalong ito.
Magdaraos si NBA Commissioner Adam Silver ng news conference nitong Martes sa New York kung saan inaasa-hang ihahayag niya ang parusang ipapataw kay Sterling kung mapapatunayang kanya ang boses sa kumalat na voice recording kung saan sinabihan niya diumano ang kanyang girlfriend na huwag magdala ng mga ‘black people’ sa laro ng kanyang team.
Inaasahang mahabang supension at malaking multa ang ipapataw ni Silver kahit walang approval ang mga owners ngunit hindi malinaw kung hanggang saan ang puwedeng gawin ni Silver bagama’t nakasaad sa NBA constitution na ang commissioner’s office ang may kapangyarihan sa lahat pagdating sa pagpoprotekta ng kapakanan ng liga.
Maraming players ang may gustong patalsikin na si Sterling habang nag-tweet si Kobe Bryant na hindi na siya dapat magmay-ari ng Clippers.
“It needs to be handled in the right way,†sabi ni Rivers. “I don’t even know what the right way is. I have a hunch. But I don’t know.â€
Nagpahinga ang Clippers nitong Lunes at sinabi ni Rivers na gusto niyang subukan ng kanyang team na makapag-relax mentally matapos ang masalimuot na linggo bunga ng mga voice record ni Sterling na unang inilabas ngTMZ bago sinundan ng isa pang recording sa Deadspin.
Hindi pa sinasabi ng NBA kung napatunayang totoo ang voice record at kung kay Sterling nga talaga ang boses ngunit sinabi ng asawa ni Sterling sa KABC-TV sa Los Angeles na boses nga niya iyon.
- Latest