^

PM Sports

Dehadista sinuwerte sa Money Song

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalad ang isang dehadista na naisama sa kanyang tinayaan ang kabayong Money Song na siyang lumabas bilang pinakadehadong kabayo noong Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si GA Rivera ang siyang sumakay sa kabayo na kumarera sa class division 1 sa 1,400-me­tro distansya  at ang ‘di inaasahang panalo ay nagresulta upang may isa pang milyonaryo na lumabas sa Winner-Take-All.

Naghatid ng P1,392.00 ang win ng Money Song na hindi tumimbang sa huling mga takbo.

Pero sa pangala­wang pagsakay ni Rivera, napalabas niya ang tikas ng kabayo para dai­gin ang Firm, Grip na hawak ni CM Pilapil.

Nagpamahagi ang 1-9 forecast ng magarang P12,582.00.

Ang pagkakasama ng dehadong Money Song ay nakatulong para sa masuwerteng mananaya na nabitbit ang P2,005,774.60 dibidendo sa unang WTA na binuo ng kumbinasyong 4-6-1-4-13-8-4.

Tinapos ang ‘di inasahang kumbinasyon sa pagkakapanalo ng Don Albertini sa Tensile Strength.

Si Jonathan Hernandez ang sumakay sa Don Albertini at nakatikim uli ang nasabing kabayo ng panalo na huling nangyari noon pang Pebrero 14.

Ang win ay may P28.50 dibidendo habang ang dehado pang 4-8 sa forecast ay may noong P218.00 na ibinigay.

Kuminang din ang takbo ng Up And Away sa race 11 para ipakita na puwede itong maging palaban kung itatakbo sa unang yugto ng 2014 Philracom Triple Crown Championship sa susunod na buwan.
Pumangalawa ang Bukod Tangi para mapasaya pa ang mga dehadista sa P108.50 na ibinigay sa 12-10 forecast kasunod ng P8.50 sa win.

 

vuukle comment

BUKOD TANGI

DON ALBERTINI

MONEY SONG

PHILRACOM TRIPLE CROWN CHAMPIONSHIP

RIVERA

SAN LAZARO LEISURE PARK

SI JONATHAN HERNANDEZ

TENSILE STRENGTH

UP AND AWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with