^

PM Sports

PBA sa hinaharap

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Importante sa PBA ang April 9, hindi dahil ito ay Araw ng Kagitingan, kundi dahil ito ang araw ng kanilang kapanganakan tatlumpu’t siyam na taon na ang nakalilipas.

Hindi kataka-taka kung hindi napansin ng ma­raming PBA fans sa kadahilanang hindi naman nag­handa ng bonggang selebrasyon ang liga.

Nakaraos ito sa paraan nang simpleng pagra-raffle ng maraming premyo during breaks sa double-header sa nasabing araw.

Ikinakasa ang engrandeng selebrasyon sa ka­ni­lang parating na ika-40 anibersaryo.

Ngunit kahit sa puntong ito, marami ng ekspek­tasyon ang PBA leaders sa landas na kanilang tata­hakin sa mga susunod na taon.

“The future of the league is bright. Over the past four years and this season, we have built a sound foundation for the continuing and sustained success of the PBA,” ani current PBA board chairman Mon Segismundo.

Nagbanggit naman si PBA Commissioner Chito Salud ng sampung bagay na kumpiyansa siya na ma­kakamit ng liga:

Una, pagkakaroon ng labing-dalawa hanggang la­bing-apat na member ball clubs.

Pangalawa, anim na powerhouse teams na magi­ging modelo ng ibang koponan.

Pangatlo, mga batang manlalaro na nagtataglay ng ibayong lakas at tulin na magdadala ng pressure pa­ra sa mga koponan na bantayan ang balanse sa pa­gitan ng mga beterano at mga batang manlalaro, experience at lightning bolt youth energy.

Pang-apat, mga coaches na nagtataglay ng mas ma­lalim na international coaching strategies.

Pang-lima, world-class training para pag-­iba­yuhin ang skills at stamina ng mga manlalaro.

Pang-anim, mas maraming pagbisita ng liga ab­road kung saan maaari silang umakit ng rehiyonal o internasyonal na fan interest.

Pang-pito, regional broadcast coverage sa mga pi­ling lugar kung saan ang mga tao ay sobra rin ang pag­kahilig sa basketball.

Pang-walo, international stints ng PBA players sa ibang foreign teams.

Pang-siyam, dagdag na commercial opportuni­ties para sa mga koponan kasabay sa patuloy na pag-angat ng popularidad ng liga.

At pang-sampu, liga na para sa mga Filipino ngu­nit may regional at global appeal.

Mabuhay ang PBA!

COMMISSIONER CHITO SALUD

IKINAKASA

MABUHAY

MON SEGISMUNDO

NAGBANGGIT

PANG

PBA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with