^

PM Sports

Arellano unang team sa quarterfinals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging magaan ang panalo ng Arellano University laban sa St. Louis University of Baguio, 25-13, 25-9, 25-13 para maging unang koponan na nakapasok sa quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 11-1st Confe-rence na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Nagpamalas si Christine Joy Rosario ng solidong performance para magtapos na may match high na 15 hits, 11 mula sa attacks at apat mula sa blocks habang si Dana Henson ay nagtala ng 10 puntos  upang isulong ang Lady Chiefs sa quarters.

“Reception at blocking ang nagpanalo sa amin,” sabi ni Arellano U coach Obet Javier, na nagmando sa Legarda-based lady spikers sa kanilang runner-up finish sa NCAA women’s volleyball makaraang yumuko sa nag-champion  na Perpetual Help  noong nakaraang season.

Sa pangunguna ni Rosario, hindi pinaporma ng Arellano U ang St. Louis sa paghataw ng 16 kills lamang sa 91 attempts  na malayo sa 39-of-92  ng Arellano.

Naglista din ang Lady Chiefs ng 27 excellent digs laban sa siyam ng Lady Navigators.

May pinagsamang 5 aces sina Mary Jane Ticar at Elaine Sagun para sa Arellano na puntiryang mawalis ang eliminasyon kung mananalo sa Adamson University bukas sa torneong suportado ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Sinandalan naman ng National U ang magkapatid na Dindin at Jaja Santiago nang kanilang igupo ang Gretchel Soltones-less San Sebastian , 25-16, 25-19, 25-16,  para makalapit sa quarters.

Ang 6’2 na si Dindin at 6’4 na si Jaja ay may pinagsamang 23 hits habang nagdagdag naman si Aiko Urdas ng 12 hits para tulungan ang defending champion na Lady Bulldogs na makopo ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

ADAMSON UNIVERSITY

AIKO URDAS

ARELLANO

ARELLANO U

ARELLANO UNIVERSITY

CHRISTINE JOY ROSARIO

DANA HENSON

DINDIN

ELAINE SAGUN

LADY CHIEFS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with