Philracom tumanggap ng 2-parangal
MANILA, Philippines - Pinatingkad ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang selebrasyon ng ika-40th anibersaryo ng pagkakatatag para pangasiwaan ang horse racing industry sa pamamagitan ng pagtanggap ng plaque sa ibang ahensya ng pamahalaan dahil sa pagtalima sa tuwid na landas na ipinaiiral ng Pangulong Benigno Aquino III.
Kinilala ng Bureau of Internal ReveÂnue ang Komisyon bilang isa sa mga
nangungunang taxpayers habang ang Civil Service Commission ay
naggawad ng pagkilala sa ahensyang pinangangasiwaan ni chairman Angel
Castano Jr. bilang isang Level II Accreditation status sa isinusulong
ng CSC na Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in
Human Resource ManageÂment (PRIME-HRM).
Si CSC chairman Francisco Duque III ang siya misyong naggawad ng
sertipikasyon sa Philracom na kinatawan nina DepuÂty Executive Director
III Eva L. Bataller at Administrative Officer Anna Maria T. Dimaano
sa seremonyang ginawa noong Marso 27.
Sapul nang umupo ang bagong pamunuan ay buhos ang kanilang programa
hindi lamang para mapaganda ang estado ng horse racing kungdi upang
maging maayos ang serbisyo ng Komisyon sa kanilang mga nasasakupan sa
pamamagitan ng mga maaasahang tauhan.
Pasado rin ang KoÂmisyon kung ang pangaÂngasiwa sa industrya ang
pag-uusapan dahil patuloy ang paglago ng kita ng industriya dahil sa
pakikiisa ng mga major players tulad ng tatlong racing clubs,
mga horse owners, traiÂners at jockeys.
Ang mga plano sa industriya ay bahagi ng ipinalabas na Road Map 4Z
2011 and Beyond na ginawa ilang buwan matapos maupo si Castano at
ibang kasamahan sa board.
Ang mga repormang ginawa ay nakatulong para tumabo ang karera sa unang
quarter sa taong 2014 dahil mas mataas ng P154.7 milyon ang kita sa
buwan ng Enero hanggang Marso sa taong ito kumÂpara sa nasabing tatlong
buwan noong nakaraang taon. (AT)
- Latest