^

PM Sports

Masisiyahan ang fans sa PBA All-Stars

Pang-masa

MANILA, Philippines - Masisiyahan ang mga tatangkilik sa tagisan ng Gilas Pilipinas at PBA selection na siyang tampok na bakbakan sa 2014 All-Star weekend sa Mall of Asia Arena sa Linggo.

Kumbinsido si PBA Board Chairman Ramon Segismundo na walang puknat ang aksyon na makikita dahil parehong determinado ang mga manlalaro sa magkabilang panig para makuha ang panalo.

Partikular na tinuran ni Segismundo ang mga manlalarong sina Greg Slaughter at Marcio Lassiter na binalak na isama sa Gilas pool pero tumanggi dahil ayaw nilang sapawan ang mga orihinal na manla-laro ng national team na pumangalawa sa FIBA Asia Men’s Championship sa MOA noong nakaraang taon.

Dahil sa nakuhang puwesto, ang Pilipinas ay nakasali sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

“Huwag nating kalimutan na sina Greg at Marcio will be on the other side of the fence. So you can just imagine what’s running in their minds and in the minds of Gilas,” wika ni Segismundo na sinamahan ni operations director Ricky Santos sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Bukod kina Slaughter at Lassiter, ang mga tiyak na magpupursigi sa PBA selection na hahawakan ni All-Filipino Cup champion coach Tim Cone ay sina Calvin Abueva, Mark Barroca at Arwind Santos na itinutulak ng mga PBA fans sa national team.

“This year’s game will be closely fought. Ang mga All Stars not being a member of Gilas ay ipakikita nila na deserving din sila if given a chance na makapasok sa team. They all have something to prove,” dagdag ni Santos.

Taong 2009 nang huling isagawa sa Metro Manila ang All-Star Game at ito ang isa din sa sinasandalan ng mga PBA officials kung bakit tatauhin ang laro.

“Very special and napaka-auspicious ng All-Star celebration natin dahil for the first time in a long while that it will be held in Manila. Kasi lagi tayong sa pro-vinces sa mga last stagings. It will also be held in a world class venue,” pahabol pa ni Segismundo.

May iba pang kaganapan ang inilinya ng PBA para ilapit pa ang mga tinitingalang manlalaro sa kanilang tagahanga tulad ng pagbisita sa San Lazaro Hospital at Hospicio de San Jose. May basketball clinic din ang gagawin sa MOA para sa mga special children gamit ang SM Cares.

May fun run sa Sabado ng umaga habang sa hapon ay tutungo ang mga PBA players sa SM San Lazaro at SM Bicutan para sa meet and greet event.

Sa gabi ang street party sa MOA grounds at kinabukasan ang All-Star game na pag-iinitin muna ng mga side events na Shooting Stars Challenge, Obstacle Challenges at Slamdunk Contest. (AT)

ALL STARS

ALL-FILIPINO CUP

ALL-STAR GAME

ARWIND SANTOS

ASIA MEN

BOARD CHAIRMAN RAMON SEGISMUNDO

CALVIN ABUEVA

SEGISMUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with