^

PM Sports

Thunder nakaganti sa Lakers

Pang-masa

OKLAHOMA CITY – Natsambahan lang ng Los Angeles Lakers ang Oklahoma Thunder noong Linggo.

Wala talagang suwerte ang Los Angeles sa rematch. Umiskor sina Russell Westbrook at Kevin Durant ng tig-29 points para makaganti ang Oklahoma City sa surpresang pagkatalo kontra sa Lakers na kanilang pinasadsad, 131-102, nitong Huwebes ng gabi.

Nalimitahan si Lakers guard Jodie Meeks, humataw ng career-high na 42 points noong Linggo, sa 19 points mula sa 6-for-15 shooting.

Sinabi ni Westbrook na hindi binigyan ng pansin ng Thunder si Meeks.

“We just did what we did,’’ ani Westbrook. “He just happened to get lucky the first time. We ain’t worried about what Jodie Meeks does. We’re just worried about playing Thunder defense.’’

Sa Chicago, tinamaan ng siko si Mike Dunleavy sa taas ng kanang mata  nang makakuha ito ng charging foul sa second quarter at nag-iwan ng bakas ng dugo sa court nang magmadali itong pumasok sa locker room ng Bulls.

Ang akala ng marami ay hindi na siya makakabalik ngunit hindi siya nagdudang masasalang pa siya.

Matapos ang 10 stitches para isara ang sugat, bu-malik si Dunleavy sa second half para kumamada ng 21 points at tulungan ang Bulls na makakawala tungo sa 111-87 panalo kontra sa Houston Rockets.

“I just knew once they got the stitches done I was coming back,’’ aniya. “It was a pretty tough hit. My neck is sore - there’s some whiplash-type stuff.’’

HOUSTON ROCKETS

JODIE MEEKS

KEVIN DURANT

LINGGO

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

MIKE DUNLEAVY

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA THUNDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with