MANILA, Philippines - Makumpleto ang maÂkasaysayang pagtatapos sa UAAP women’s volleyball ang gustong gaÂwin ngayon ng La Salle sa pagharap muli sa Ateneo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tiyak na ‘full force’ ang suporta sa Green Archers ng mga kapanalig sa larong itinakda sa ganap na alas-4 ng hapon para maibulsa na ang titulo at makumpleto ang ‘four-peat’ sa liga.
“Kailangang magpurÂsigi dahil kailangang kapiÂtan na namin ito,†wika ni Lady Archers head coach RaÂmil de Jesus na inaaÂsinta rin ang kanyang ika-siyam na titulo.
Binawian ng Lady ArÂchers ang Lady Eagles nang kunin ang 25-14, 25-20, 19-25, 26-24 panalo noÂong Sabado.
Kailangan na lamang ng koponan na manaig pa upang maiuwi na ang titulo.
Sa kasaysayan ng UAAP volleyball na nagÂsiÂmula noon pang 1938, ang FEU, may kabuuang 29 titulo, ay nagkampeon ng apat na sunod na taon na nangyari mula 1970 hanggang 1973.
Pero ang kampeonato noong 1972 ay hindi nasolo dahil idineklara silang co-champion kasama ang UE.
Ang mga beteranong sina Ara Galang, Mika Reyes, team captain Abi Maraño at Kim Fajardo ang mangunguna paÂra bigÂyan ng malaking seÂlebrasyon ang mga taga-hanga.
Ngunit makakatulong sa kampanya ng Lady Archers kung gagana ang ibang manlalaro.
Sa huling tagisan ay naÂkitaan muli ng gilas si Cydthealee Demecillo sa ibinigay na anim na puntos, habang si Dawn NiÂcole MaÂcandili ay mayÂroÂong pitong digs para maÂkatulong sa depensa.
Ang MVP ng torneo na si Alyssa Valdez ang magÂdadala para sa Lady Eagles na ‘must-win’ para mapaabot sa deciding game ang tagisan.
Nangako siya na itaas pa ang antas ng paglalaro matapos malimitahan sa 15 hits sa huling tagisan.
Mahalaga rin ang ipaÂkikita nina Jorella Marie De Jesus at Amy Ahomiro na gumawa lamang ng tig-9 puntos pero ang susi sa hanap na panalo ay ang kondisyon ng liberong si Dennise Michelle Lazaro na may inindang sprained left ankle.
Mahalaga si Lazaro daÂhil siya ang nangunguna sa depensa ng Ateneo at nakita pa rin ito sa huling laro matapos ang 11 digs kahit may iniindang inÂjury. (ATan)