Boone ayaw pang umuwi
MANILA, Philippines - Ipinakita ni import Josh Boone ang kanyang pagiging isang professional player.
Nakabitin ang trabaho dahil sa pagdating ng bagong reinforcement, nagposte si Boone ng 32 points, 21 rebounds, 3 assists at 2 shotblocks para banderahan ang San Miguel Beer sa 112-96 panalo kontra sa Barangay Ginebra para makisalo sa liderato sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
“One good thing about Josh, he’s very professional regarding this thing,†sabi ni head coach Biboy Ravanes sa estado ni Boone na sinasabing papalitan ni Kevin Jones, naglaro sa Cleveland Ca-valiers sa NBA.
Nagsagawa ang Beermen ng 11-2 ratsada para muling lumayo Kings sa 89-72 bago ito palobohin sa 97-76, 5:27 minuto sa final canto.
Pinamunuan ni import Leon Rodgers ang Ginebra sa kanyang 33 markers, 11 boards at 5 assists, habang may 15 points si Mark Caguioa, 13 si seven-foot rookie Greg Slaughter at 10 si Chris Ellis.
Humugot naman si import Joshua Dollard ng 17 sa kanyang game-high na 44 points sa fourth quarter para tulungan ang Barako Bull sa 110-106 paglusot sa Rain or Shine sa unang laro.
Naikonekta ni Willy Wilson ang kanyang dalawang free throws sa huling 2.6 segundo para sa 1-1 baraha ng Energy Cola.. (Russell Cadayona)
SAN MIGUEL BEER 112 - Boone 32, Santos 18, Lassiter 15, Mercado 14, Hubalde 9, Ross 7, Kramer 5, Maierhofer 4, Lutz 4, Tubid 3, Duncil 1, Marata 0, Taha 0.
Ginebra 96 - Rodgers 33, Caguioa 15, Slaughter 13, Ellis 10, Tenorio 8, Helterbrand 5, Aguilar 4, Baracael 2, Reyes 2, Urbiztondo 2, Mamaril 2, Ababou 0.
Quarterscores: 37-23; 58-44; 78-68; 112-96.
BARAKO BULL 110 - Dollard 44, Miller 19, Miranda 13, Buenafe 11, Pennisi 9, Intal 7, Lastimosa 2, Wilson 2, Marcelo 2, Isip 1, Jensen 0, Fortuna 0, Pena 0.
Rain or Shine 106 - McLean 21, Lee 15, Chan 14, Belga 11, Norwood 10, Uyloan 9, Almazan 9, Tiu 5, Araña 4, Rodriguez 4, Cruz 2, Nuyles 2, Tang 0, Teng 0, Ibañes 0.
Quarterscores: 22-24; 46-53; 79-79; 110-106.
- Latest