Spurs pinasiklaban ang Heat
SAN ANTONIO –Nagtala si Tim Duncan ng 23 points at 11 rebounds nang bumangon ang San Antonio Spurs sa kanilang masamang third qurter tungo sa intensibong 111-87 tagumpay.
Hindi nalamangan ang San Antonio sa kabuuan ng laro kontra sa Heat.
“I’m sure this has some special meaning, to say something different would be silly,†sabi ni San Antonio coach Gregg Popovich. “but we expect them to come out hard and play.â€
Sa kanilang unang home game kontra sa Miami sapul nang makalasap ng kabiguan sa seven-game NBA finals, ipi-nalasap ng Spurs sa Heat ang kanilang pinakamasamang pagkatalo nga-yong season.
Umiskor si Tony Par-ker ng 17 points, kabilang ang 14 sa first half habang nagdagdag si Boris Diaw ng 16 at si Kawhi Leo-nard ay may 11 para sa Spurs (45-16) na nanalo ng limang sunod.
Si Chris Bosh ay may 24 points, 19 kay LeBron James para sa Heat na may 43-16) record.
Sa Phoenix, nagtala si Gerald Green ng 25 sa kanyang career-high 41 points sa third quarter at binura ng Phoenix Suns ang 16-point deficit upang igupo ang Oklahoma City Thunder, 128-122.
Nagdagdag si Markieff Morris ng 24 points, kabilang ang dalawang free throws sa huling 24.4 seconds ng laro.
Nagtala si Goran Dragic ng 22, kabilang ang anim sa huling 12-points ng Suns matapos lumamang ang Oklahoma City sa 118-116.
Umiskor si Russell Westbrook ng season-high 36 para sa Thunder, na umangat ng half-game sa Indiana para sa NBA best record matapos ang kanilang panalo.
Nagdagdag naman si Kevin Durant ng 34-points.
Kinapos si Green ng isang puntos sa record ng Sun na pinakamaraming puntos sa isang quarter na naitala ni Stephon Marbury noong 2002. Ang kanyang career-best na walong 3-pointers ay kapos din ng isa para sa franchise record.
Ito ang ikalawang 40-point performance ng Phoenix sa apat na game.
Nagtala si Dragic ng 40 points kontra sa New Orleans noong Biyernes.
Sa isa pang laro, dinurog ng Los Angeles Clippers ang Los Angeles Lakers, 142-94.
- Latest