LeBron humakot ng 61-points
MIAMI -- Hindi pa handa si LeBron James na ipamigay ang kanyang MVP trophy sa kahit sinuman.
Umiskor si James ng 61 points -- isang career high at franchise record -- para pangunahan ang Mia-mi Heat sa 124-107 paggiba sa Charlotte Bobcats.
Ito ang pang-walong sunod na arangkada ng two-time defending champions.
Nagtala si James ng 22 of 33 fieldgoals shooting, kasama dito ang unang walo niyang pagtatangka sa triple area.
“The man above has given me some unbelievable abilities to play the game of basketball,†sabi ni James. “I just try to take advantage of it every night. I got the trust of my teammates and my coaching staff to go in there and let it go.â€
Ang kanyang dating career best ay 56 points na kanyang ipinoste noong Marso 20, 2005 para sa Cleveland kontra sa Toronto.
Inilista ni Glen Rice ang 56 points para sa Heat record noong Abril 15, 1995 kontra sa Orlando.
Kaagad na umiskor si James ng 24 points sa halftime at nagdagdag ng 25 sa third quarter.
Nakuha ni James ang record-breaking shot sa huling 5:46 ng fourth period matapos takasan ang tatlong Charlotte defenders para sa kanyang layup.
Humakot naman si Al Jefferson ng 38 points at 19 rebounds para sa Bobcats.
Sa Denver, gumawa si Kevin Love ng 33 points at dinuplika ang season high na 19 rebounds para sa kanyang NBA-best na ika-50th double-double ngayong season matapos igiya ang Minnesota Timberwolves sa 132-128 panalo laban sa Denver Nuggets.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Timberwolves.
Nagdagdag si Kevin Martin ng 22 points.
Nakahugot naman ang Nuggets ng season-high na 31 points at 11 assists mula kay Ty Lawson.
- Latest
- Trending