Muhammad Ali nag-tweet sa unang pagkakataon
MANILA, Philippines - “I shook up the world against Liston, now 50 years later I'm taking it to Twitter.â€
Ito ang isinulat ni legendary boxer Muhammad Ali sa kanyang Twitter account na may hashtag na AliÂTweet na nagpapakita na ito ay galing sa kanya at may link sa isa niyang litrato kung saan nakataas ang kanÂyang mga kamay matapos ang panalo kay Sonny Liston.
Pinigil ni Ali, ang dating pangalan ay Cassius Clay, si Liston sa seventh round para angkinin ang world heavyÂweight crown sa edad na 22-anyos.
Ang naturang tagumpay ang nagpakilala sa kanya bilang global sports icon.
Nakatakdang ilunsad ng official website ni Ali ang isang Twitter quote of the day kagaya ng ‘float like a butterfly, sting like a bee.’
Ang Muhammad Ali Center, isang museum sa kanÂÂyang bayan na Louisville, Kentucky, ang nagposte sa Twitter message na, “Today marks 50 yrs since Ali became hvywt champ! HE SHOOK UP THE WORLD!†na may isang link sa YouTube video highlights ng Liston fight.
Muling nagposte ang Muhammad Ali Center ng isang photo image mula sa laban na nagpapakita sa left hook ni Ali na tumama sa duguang mukha ni Liston.
Isang araw matapos talunin si Liston ay pinalitan ni Clay ang kanyang pangalan.
At dito nagsimula ang alamat ni Muhammad Ali.
Kasama rito ang pagtanggi niyang mapabilang sa US Army na nagpapadala ng mga sundalo para lumaban sa Vietnam, ang pagbawi sa kanyang mga titulo at ang banned sa kanya sa boxing sa loob ng 3.5 taon.
Tinapos ni Ali ang kanyang makulay na boxing career mula sa 56-5-0 win-loss-draw ring record kasama ang 37 knockouts.
Nagretiro si Ali noong 1981 kasunod ang pahayag niÂyang siya ay mayroong Parkinson's Disease noong 1984.
- Latest