Irving pinasikatan ang Thunder
OKLAHOMA CITY – Nagbiro si Oklahoma Thunder coach Scott Brooks sa pregame na hindi niya nagustuhan ang kanyang nakita kay Kyrie Irving noong All-Star game. Si Brooks ang nag-coach ng West at wala siyang nagawa kungdi panoorin si Irving na ihatid ang East sa comeback win para makopo ang MVP honors.
Hindi rin nagustuhan ni Brooks ang kanyang nakita kay Irving nitong Miyerkules at seryosong laro ito.
Parang ibinalik ni Irving ang mga pangyayari sa All-Star weekend nang umiskor ito ng 14 sa kanyang 31 points sa fourth quarter upang tulungan ang Cleveland Cavaliers na igupo ang Thunder, 114-104.
Si Irving ay mayroon ding 9 assists, 5 rebounds at 4 steals.
“Kyrie had a huge performance for us,’’ sabi ng Cavaliers coach na si Mike Brown. “He was very efficient in the 43 minutes that he played tonight, I thought offensively, especially.’’
Ang batang line-up ng Cavaliers na nag-a-adjust pa sa pagbabago sa roster sapul noong trade deadline, ay kumopo ng mahalagang tagumpay. Tumira ang Cleveland ng 14-for-21 mula sa field sa fourth quarter laban sa Western Conference-leading Thunder.
“To come here and get a win in this building versus this team and those players and that coaching staff, for us, is a good confidence booster,’’ pahayag ni Brown. “Everything for us right now to be a positive will help us long term just as much as it will short term.’’
Ito ang ikatlong sunod na pagkatalo ng Oklahoma City sapul noong All-Star break. Natalo ang Thunder ng tatlong laro sa kanilang homecourt ngayong season bago ang All-Star break.
“No one in the locker room, including myself, feels good about it,’’ sabi ni Brooks. “The exciting thing is we know we can do better. We just have to maximize our potential.’’
Umiskor si Jarrett Jack ng 21 points, nagtala si Spencer Hawes ng 19 at nagdagdag si Tristan Thompson ng 11 points at 11 rebounds para sa Cavaliers na nakabangon mula sa three-game losing streak.
Nagposte si Kevin Durant ng 28 points, 10 rebounds at nine assists, Nagtala si Russell Westbrook ng 24 points at nine assists habang nagtala si Serge Ibaka ng 16 points at 13 rebounds para sa Thunder.
Ang Oklahoma City ay 0-3 sapul nang nagbalik si Westbrook.
- Latest