NLEX at Big Chill mag-uunahan sa 1-0 lead
LARO NGAYON
(Smart Araneta Coliseum)
1 p.m. NLEX vs Big Chill
MANILA, Philippines - Sisimulan ng NLEX ang pagtahak patungo sa pagÂtikim uli ng kampeoÂnato sa pagharap sa Big Chill sa Game One ng PBA D-League Aspirants’ Cup Finals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa ganap na ala-1 ng hapon magsisimula ang best-of-three championship series ng dalawang deÂterminadong koponan.
Pakay ng Road Warriors na maisantabi ang kaÂbiguang sinapit sa kamay ng Blackwater Elite sa Foundation Cup para maipagkaloob sa prangkiÂsa ang ika-limang korona sa anim na beses na pagÂpaÂsok sa FiÂnals.
“This is a motivation conference for us,†wika ni NLEX mentor Boyet FerÂnandez.
Sa kabilang banda, naÂis ng Superchargers na maÂging ikalawang sunod na koponan na tumalo sa NLEX patungo sa kauna-unahang titulo sa liga.
Pumasok ang tropa ni coach Robert Sison sa Finals noong 2011-12 Foundation Cup pero natalo sila sa Road Warriors.
Si Garvo Lanete ang aasahan sa pagbuslo pero maÂhalagang papel ang gaÂgampanan ni 6-foot-8 import Ola Adeogun daÂhil kailangan niyang doÂminahin ang ilalim para tuÂmibay ang laban ng Road Warriors.
Aminado si Big Chill coach Robert Sison na dehado sila lalo pa at nataÂlo rin sila sa NLEX sa elimination round, 97-88.
“Our players are wilÂling to make sacrifices to help this team. It will still be a tough mountain to climb. But nothing is imÂpossible,†pahayag ni Sison.
- Latest