Football para sa Bayan 2014
MANILA, Philippines - Ikinasa ng nangu-ngunang telecommunications company na Globe Telecom kasama si sports ambassador Azkals Team Captain Chieffy Caligdong ang Football Para Sa Bayan 2014, isang grassroots program para sa mga kabataang mula sa mahihirap na kumunidad.
Ang event ay ilu-lunsad sa pamamagitan ng mga football tournaments sa Metro Manila at Iloilo sa Pebrero 22 at Marso 8-9, ayon sa pagkakasunod.
Ang Metro Manila event ay idaraos sa pakikipagtulungan sa Philippine Navy sa Fleet-Marine football grounds sa Taguig City, habang ang torneo naman sa Iloilo ay gagawin sa Sta. Barbara.
“The festivals will serve as a platform where in kids, regardless of their socio-economic background can enjoy the sport of football. At the same time, these events can serve as an inclusive platform for socially advantaged and less advantaged teams to interact and work together, †ani Fernando Esguerra, ang Globe OIC for Corporate Social Responsibility.
Para sa Metro Manila Festival, dadalhin ng Globe ang 35 community football teams na binubuo ng mga kabataang mula sa mahihirap na komunidad para makipaglaro sa 35 pang tropa buhat sa varsities ng mga private schools at private football clubs.
Ang isang araw na football tournament ay lalahukan ng higit sa 900 kabataang may edad na 7-anyos hanggang 17-anyos.
Kumpara sa ibang football tournaments kung saan humihingi ang mga organizers ng mula P3,000 hanggang P5,000 fee per team, ang lahat ng 35 community football teams ay suportado ng Globe.
- Latest