^

PM Sports

Maraming planong gawin sa sports si Pangilinan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahan na magiging masigla ang mundo ng pa-lakasan sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagkalinga ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan.

Sa isinagawang InteraksyonWithMVP sa Twitter  kamakalawa, ibinunyag niya ang malala-king plano sa palakasan at nangunguna rito ang pagsasagawa ng kompetisyon sa tennis na kinatatampukan ng mga tinitingalang manlalaro sa mundo tulad nina Rafael Nadal, Roger Federer, Novak Djokovic sa kalalakihan at sina Serena Williams at Maria Sharapova sa kababaihan.

“Yes keen tennis fan. Yes to Nadal. Maybe Federer or Jokovich, Se-rena vs Sharapova,” tugon ni MVP sa katanungan sa plano sa tennis na isa sa kanyang kinahihiligan.

Marami agad ang tumugon ng positibo sa pahayag na ito lalo pa’t nga-yon lamang mangyayari na darating ang mga tennis superstars sa Pilipinas para maglaro sa harap ng kanilang mga tagahanga.

Hindi dito natatapos ang plano ni MVP dahil balak niyang ulitin ang ginawa, ilang taon na ang nakalipas na pag-imbita sa mga  NBA players para maglaro rito.

Buhay pa rin ang kanyang interes na bumili ng NBA team at target niya ang Golden State Warriors na nakabase sa Oakland, California na isa sa mga lugar na maraming Filipino ang naninirahan.

Ngunit hindi lamang sa international ang plano ni MVP dahil tiniyak niya na magpapatuloy ang kanyang pagtulong sa Philippine Sports.

Ang UP na kasapi sa UAAP ay patuloy niyang bibigyan ng ayuda katulad ng mga collegiate teams na San Beda at Ateneo.

Kahit si Michael Christian Martinez, ang kauna-unahang Filipino at South East Asian fi-gure skater na naglaro sa Winter Olympics sa Sochi, Russia at tumapos sa kahanga-hangang 19th place, ay kanya ring bibigyan ng suporta para magpatuloy ang paghusay sa sport na pinasok.

“Michael needs more training and more exposure abroad. We’d like to support him,” wika pa ni Pangilinan.

Kung ang kampan-ya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa Madrid ang pag-uusapan, hiniling niya sa lahat ang patuloy na pagtitiwala sa kakayahan ng mga manlalarong ipadadala sa kompetisyon.

Tinuran pa niya na lahat ng manlalaro ng Pambansang koponan na nagwagi ng pilak sa FIBA-Asia Men’s Championship sa bansa noong nakaraang taon ay gumaling nang bumalik sa kanilang mother teams sa PBA.

“May chance. Stay positive,” ang tugon ng pangulo rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa tsansa sa World Cup.

Ang pagbibigay ng panahon ni MVP na tugunan ang mga katanungan sa Twitter ay ikinasiya ng mga sumalo sa interaksyon dahil siya lamang ang executive na nasa ganitong estado na gumawa nito. (AT)

 

ASIA MEN

GILAS PILIPINAS

GOLDEN STATE WARRIORS

MANNY V

MARIA SHARAPOVA

MAYBE FEDERER

PILIPINAS

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with