Golden Wheel Awards

MANILA, Philippines - Gaganapin ang 2014 Golden Wheel Awards Night sa Feb. 28 kung saan paparangalan ang mga top achievers sa Philippine motorsports noong nakaraang taon sa Samsung Hall ng SM Aura sa Fort Bonifacio Global City sa Taguig City.

Pinangungunahan nina Johnlery Enriquez (scooters), Niño Fabian (underbone racing), Dashi Watanabe (superbikes) at Glenn Aguilar (motocross) ang mga kandidato para sa Gol-den Wheel Driver of the Year award na kinabibilangan din nina Daniel Miranda (karting), Gio Rodriguez (drifting), Peewee Mendiola, MD (slalom), Edison Dungca (4x4 off road), Bryan Bautista (classic cars), Jody Coseteng (grand touring) at Jonathan Tiu (drag racing).

Paparangalan din ang dalawang Singaporeans ng Golden Wheel trophies dahil sa kanilang impresibong ipinakita sa 2013 Asian Karting Open Championship Series. Ito ay sina Gabriella Teo na kumopo ng Asian Karting Junior crown at Mohammad Nasri Naufal Bin Nasir na nagsubi ng Asian Karting overall title.

Bumuo ang Golden Wheel Foundation Inc. ng independent panel of judges na kinabibilangan ng top racing officials at media sa pagpili ng pararangalan.

Show comments