^

PM Sports

Buwenamanong panalo para sa bagong coach ng Detroit Pistons

The Philippine Star

AUBURN HILLS, Michigan – Bagama’t paos ang boses ng interim coach na si John Loyer sa pagbibigay ng instructions, nakawala si Brandon Jennings at ang Detroit Pistons sa San Antonio Spurs sa third quarter.

Tumapos si Jennings ng 21 points nang igupo ng Pistons ang San Antonio, 109-100 nitong Lunes ng gabi sa debut game ni Loyer bilang coach.

Biglaang sinibak ng Detroit si Maurice Cheeks noong Linggo matapos ang 50 games bilang coach. Bagama’t hindi nakakatuwa ang ipinakikita ng Detroit sa halos kabuuan ng season, pero mas maganda na ang kanilang performance nitong huli.

Ang komportableng panalo kontra sa Spurs ay ikalima ng Detroit sa 7-games.

“I told them it was going to be an emotional day,” sabi ni Loyer. “I told them I thought we can play, collectively, for longer periods of time better than we have.”

Umiskor si Rodney Stuckey ng 20 points para sa Pistons at nagdagdag si Greg Monroe ng 15 points at 10 rebounds. Pinangunahan ni Marco Belinelli ang Spurs sa kanyang  20 points.

vuukle comment

BAGAMA

BRANDON JENNINGS

DETROIT PISTONS

GREG MONROE

JOHN LOYER

LOYER

MARCO BELINELLI

MAURICE CHEEKS

RODNEY STUCKEY

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with