Lillard kasali sa lahat ng event sa NBA All Stars
NEW YORK – Idedepensa ni Toronto Raptors forward Terrence Ross ang kanyang Slam Dunk crown sa NBA’s All-Star weekend sa New Orleans kung saan makakalaban niya ang tatlong All-Stars.
Sasamahan nina All-Stars Paul George ng Pa-cers, John Wall ng Wizards at Damian Lillard ng Trail Blazers na naiboto sa February 16 All Star game, sina Harrison Barnes ng Golden State at Sacramento rookie Ben McLemore na hahamon kay Ross sa Slam Dunk competition sa gabi ng All-Star Game.
Sasali rin si Lillard sa three-point competition at pumayag na ring lumaro sa rookie/sophomore game nitong Biyernes at skills challenge sa Sabado ng gabi bukod pa sa All-Star Game.
Dahil dito, siya ang unang player sa All-Star weekend na lumahok sa lahat ng limang events.
Makakalaban ni Lillard sa three-point competition sina Golden State sharpshooter Stephen Curry, Minnesota star Kevin Love at San Antonio sniper Marco Belinelli para kumatawan ng West.
Sina Bradley Beal ng Washington, Joe Johnson ng Brooklyn at Arron Afflalo ng Orlando ay makakasama ni reigning champion Kyrie Irving bilang East representatives.
Sa ikalawang sunod na taon, ang All-Star Saturday competitions ay katatampukan ng East vs West format, kung saan maglalaban ang mga players ng bawat confe-rences para sa pera na mapupunta sa charity.
- Latest