^

PM Sports

Bombang maaaring sumabog kahit anong oras

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Iginiit ni Rain or Shine co-owner Raymond Yu na hindi nila tatalikuran si head coach Yeng Guiao sa harap ng panibagong kontrobersya na dulot ng kanyang mga antics sa laro.

“We stand by coach Yeng. His absence will mo­tivate Rain or Shine to play harder and more fo­cused,” ani Mr. Yu sa kanyang text message sa sportswriter na ito.

Sinuspende ng isang laro at pinagmulta ng P100,000 si coach Yeng ni PBA Commissioner Chi­to Salud dahil sa kanyang huling pagmamaktol sa la­ro kung saan nakita siyang nagturo ng dirty finger patungo sa direksyon ng Commissioner at technical officials.

Isa ito sa mga regular antics na ni coach Yeng ka­sama na ang pagbulyaw at pagmumura sa mga re­fe­rees at players sa kainitan ng laro.

Obvious na napuno na si Kume kaya ipinataw ang mabigat na parusa.

Sa reaksyon ng mga tao sa social media, obvious na obvious din na galit na galit sila sa mga tirada ni coach Yeng.

Sa mga matagal ng sumusunod sa career ni coach Yeng, ang sapantaha ay sadya ang pagpapakita ng ima­­heng brusko, matatag at matapang upang gayahin ng kanyang mga players sa laban.

Maaring kasama rin ito sa kanyang psy war sa mga referees.

Iyon ang mga karakter na nabuo niya at nagbigay sa kanya ng kampeonato sa Swift Mighty Meaty, Red Bull at Rain or Shine.

Ngunit paano kung hindi na makontrol ang mga ma­salimuot na sitwasyon?

Ilan sa mga natatandaan kong manlalaro na naki­pagmurahan kay coach Yeng ay sina Marlou Aquino at Mark Telan.

Si dating Talk ‘N Text team manager Frankie Lim at dating San Miguel Beer assistant coach Pido Jarencio naman ang ilan pa sa kanyang mga naka-engkwentro.

Walang duda na kayang dalhin ng mga league officials ang tantrums ni coach Yeng.

Ngunit paano kung may manlalarong sumabay sa maktol ni coach Yeng?

Paano kung may pumatol na may kasamang phy­sical contact?

Isa itong bombang maaaring sumabog kahit anong oras kung mananatili si coach Yeng sa kanyang mga estilo.

Giit ni coach Yeng na poor officiating ang pinagmulan ng problema sa kanilang huling laro.

Diniin naman ni Kume na ang sanction ay hindi dahil sa kritisismo ni coach Yeng sa officiating.

“He was suspended because of his behavior where­in he flashed a dirty finger and showing arro­gance against players, the referees, the league officials and the public in general,” ani Kume sa kanyang naging desisyon kay Coach Yeng.

 

vuukle comment

COACH

COACH YENG

COMMISSIONER CHI

FRANKIE LIM

KANYANG

KUME

SHY

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with