Naging mainit ang kabayong Hot And Spicy
MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng Hot And Spicy ang ginaÂwang pagdikta sa pace ng karera para hugandong naÂnalo sa nilahukang kaÂrera noong Sabado sa MetÂro Turf sa Malvar, BaÂtangas.
Si Fernando Raquel, Jr. ang hinete ng kabayo at walang epekto sa kondisÂyon na Hot And Spicy ang ipinataw na mabigat na handicap weight na 57 kilos matapos ang bandeÂrang-tapos na panalo sa isang milyang karera.
Ang Divine Eagle na may kaparehong handicap weight ng nanalong kaÂbayo at diniskartehan ni Kevin Abobo ang siyang nakasabayan ng Hot And Spicy,.
Ngunit kahit anong gaÂwin ng tambalan ay hindi sila lumusot sa nanalong kabayo.
Sa rekta ay halos magkasabay na ang dalawang nasabing kabayo.
Pero ilang hagupit ni RaÂquel sa kaÂbayo ang nagÂtulak para kuÂmarga pa ang Hot And Spicy tungo sa dalawang dipang panaÂlo.
Nagpasok ang win ng P5.50, habang P18.00 ang ibinigay sa 2-5 forecast.
Kasamang kuminang sa unang araw ng pista sa buwan ng Pebrero na giÂnawa sa bakuran ng Metro Turf Club ay ang Red DraÂgon at Nemesis.
Pinagharian ng dalawang kabayo ang Maiden raÂces na sinahuÂgan ng P10,000.00 premÂyo sa naÂnalo ng Philippine Racing Commission (Philracom).
Wala ring nakasabay sa mainit na pagtakbo ng Red Dragon na sakay si Jonathan Hernandez para iwaÂnan ng halos walong dipa ang mga kalaban sa 1,200-metro distansyang karera.
Umabot sa P11.00 ang dibidendo sa win, habang P30.50 ang ipinamahagi sa 8-2 forecast.
Hindi binitiwan ng NeÂmesis mula sa pagdisÂkarÂte ni CJ Reyes ang balÂya para sa panalo sa 3YO and Above Maiden race sa 1,200m.
Ang Oxygen na giÂnaÂbayan ni JB Cordero ang nagtangkang lumutsa sa Nemesis.
Ngunit ang nasabing kaÂÂbayo ang naubusan ng haÂÂngin sa huling 100m paÂra ibigay ang panalo sa tatlong taong kabayo.
Umabot pa sa P12.50 ang ibinigay sa win.
Ang 1-7 sa forecast ay naghatid ng P37.50 dibidendo.
- Latest