Shoemaker iginiya ni Tabor sa panalo sa Special Class race
MANILA, Philippines - Mahusay na nagamit ni jockey RC Tabor ang maluwag na daanan upang makumpleto ang paghahabol at masama sa mga nanalo ang Shoemaker noÂong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa ikatlong takbo sa buwan ng Enero ay pinalad na nanalo ang Shoemaker para mahabol sa mga kuminang bago magpalit ng buwan.
Naunang naglabanan sa harapan ang Kitty West, Dream Lover at Yes Yes Yes.
Pero nagpadehado lamang ang Shoemaker dahil mahusay na nailusot ni Tabor sa mga nauunang kaÂbayo ang nirendahan bago tuluyang iniwan ang mga ito sa huling 100-metro sa 1,300m special class division race.
Rumemate rin ang hindi napaboran na Parthenon sa pagdadala ni RR de Leon para magkaroon ng maÂgandang dibidendo sa unang karera sa walong nakahanay sa una sa dalawang araw ng pista sa Philippine Racing Club Inc. (PRCI).
May P42.00 ang ibinigay sa win, habang umabot sa P2,017.00 ang dibidendo sa 2-8.
Ang napaborang coupled entries na Water Shed at Apo Belle ay hindi nakabawi sa mahinang panimula paÂra pumangatlo lamang sa datingan ang Apo Belle.
Bunga nito, ang trifecta na 2-8-5 ay nasa P4,165.00.
Nakuha rin ng Ballet Flats ang unang panalo sa taong 2014 nang dominahin ang special handicap race sa race seven.
Si JD Juco ang pinagdiskarte sa kabayo at ang ikatÂlong hinete ng Ballet Flats sa ikaapat na takbo sa buÂwang ito ang naghatid ng panalo matapos maisanÂtabi ang lakas ng Mr. Universe ni A.P. Asuncion.
Sa far turn ay nag-init ang Ballet Flats para lampasan ang mga nasa unahan at hindi na nito nilingon pa ang Mr. Universe na kinapos ng dalawang dipa sa meÂta.
Ang Ballet Flats na naunang nalagay sa ikaapat, ikaÂwalo at ikalawang puwesto ay nagpasok ng P9.00 sa win.
Ang forecast na 1-6 ay mayroong P20.00 dibidendo. (ATAN)
- Latest