Blatche payag maglaro para sa Gilas
MANILA, Philippines - Hindi magiging problema kay Brooklyn Nets forward Andray Blatche ng Brooklyn Nets ang maglaro paÂra sa Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA-World Cup sa Spain bilang isang naturalized player.
Sinabi ng 6-foot-11 na si Blatche na maaari siyang maglaro para sa Nationals sa FIBA-World Cup, nakaÂtakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 15, bilang pagÂhahanda na rin para sa 2015 season ng NBA.
“It’ll help me get ready for training camp and the seaÂson. I said I’m interested, so there’s a good chance of it happening,†wika ng 28-anyos na si Blatche.
“Basically, just go over there, and I can imagine just win. Play. Hoop. Win. Whatever. I don’t know.â€
Mula sa Washington Wizards ay lumipat si Blatche sa Nets noong 2012 kung saan siya nagposte ng mga aveÂrages na 10.3 points at 5.1 rebounds sa kanyang unang season.
Noong Hulyo ng nakaraang taon ay muling pumirÂma si Blatche ng kontrata sa Brooklyn.
Maliban kay Blatche, tinatarget ring makuha ni GiÂlas Pilipinas head coach Chot Reyes si seven-foot JaVale McGee ng Denver Nuggets.
“News: two NBA players may join Gilas Team. Javale Mcgee, Denver Nuggets. Andray Blatche, Brooklyn Nets. Go Gilas!,†sabi ni Samahang Basketbol ng PiÂlipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan sa kanyang Twitter account na iamMVP.
Naglista si McGee, nakita sa isang exhibition game sa bansa noong 2011 sa gitna ng NBA lockout, ng mga aveÂrages na 7.0 points, 3.4 rebounds at 1.4 blocks para sa Nuggets ngayong season.
Si McGee ay kasalukuyang may stress fracture sa kanÂyang kaliwang binti.
Bago ang Hunyo 30 ay umaasa si Reyes na maÂbibigyan ng Kongreso ng naturalizaton papers sina McÂGee at Blatche na posibleng makatulong ni 6’11 naÂturalized center Marcus Douthit.
Nagsumite na si Deputy Speaker Robbie Puno ng magÂkahiwalay na House bills para sa naturalization niÂna McGee at Blatche.
- Latest