Heat sunog sa Thunder
MIAMI -- Nabaon ng 18 points sa opening quarter, walang nerbiyos na nakita kay Kevin Durant at sa Oklahoma City Thunder.
Umiskor si Durant ng 33 points, habang may 22 si Serge Ibaka para ibangon ang Thunder mula sa 4-22 pagkakabaon at talunin ang Miami Heat, 112-95.
Kumamada ang Oklahoma City ng 43 points sa loob ng 33 minuto para gibain ang two-time defending champions na Miami.
“They were ready for us to come in and play,’’ sabi ni Durant sa Heat. “They hit some tough shots early on, a few 3’s, and we didn’t panic. We just tried to stay together and that’s what we did. Our bench was great in getting us back in that game.’’
Tumipa ang Thunder ng 16-for-27 shooting sa 3-point range kumpara sa 3-for-19 ng Heat.
Ito ang ika-12 sunod na pagkakataon na umiskor si Durant ng higit sa 30 points para makalapit sa record na 14 ni Tracy McGrady noong 2002-03 season.
Itinala ng Thunder ang isang nine-game winning streak na naglapit sa kanila sa Indiana Pacers sa labanan para sa best record.
Nagdagdag si Jeremy Lamb ng 18 at nagposte si Derek Fisher ng 5-for-5 shooting sa 3-point range at tumapos na may 15 points.
- Latest