^

PM Sports

Dominanteng nanalo sa Special Class Division race Hari Ng Yambo nagparamdam

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng Hari Ng Yambo ang unang panalo sa taong ito sa dominanteng takbo sa special class division race noong Huwebes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Outstanding favorite sa siyam na naglaban ang Hari Ng Yambo at napangatawanan ng hineteng si JPA Guce ang pagtitiwala na ibinibigay sa kanyang kabayo nang iwanan ng halos apat na dipa ang second choice sa Life Is Beautiful sa 1,500-metro karera.

Sa rekta ay tumodo na ang Hari Ng Yambo, ang first leg winner ng 2011 Triple Crown Championships.

Naghatid ang win ng P6.00 habang ang 9-5 forecast ay nagbigay ng P10.50 dibidendo.

Nakapanorpresa ang Alessi’s Touch nang lumabas ito bilang pinakadehadong kabayo na nagwagi sa una sa dalawang araw na pista sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).

Kumaripas ng takbo ang Alessi’s Touch na diniskartehan ni Louie Balboa sa pagpasok sa rekta para manalo pa kahit nalagay sa ikapitong puwesto.

Ang Ms. Bling Bling ang nasa unahan papasok sa rekta pero naagaw ito ng Sweet Julliane sa huling 75m sa 1500-metro distansyang karera.

Pero ang inasahang panalo ng handlers ng mainit na kabayo na sakay ni JD Juco ay naglaho dahil mas malakas ang dating ng nasa labas na Alessi’s Touch.

Unang panalo sa apat na takbo ito ng Alessi’s Touch at nagbigay pa ito ng P90.50 dibidendo habang ang 1-7 forecast ay nagbigay ng P655.50 dibidendo.

Umani rin ng atensyon ang Director’s Play  ni Antonio Alcasid Jr. nang pagharian ang 3YO above Maiden Division race sa 1,400m.

Naghintay lamang ng tiyempo si Alcasid bago ipinakita ang ayre nito at talunin sa rematehan ang third choice na Masskara.

Ang Zeal ang siyang napaboran sa karera pero hindi ito tumimbang.

Umabot sa P49.00 ang dibidendo sa win habang ang 1-3 forecast ay mayroong P265.50 na ipinamahagi.

Lilipat ang karera ngayon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite at tampok na karera sa dalawang magkasunod na araw ay ang paglarga ng 1st leg Philracom Imported/Local Stakes race sa Linggo. (AT)

vuukle comment

ALESSI

ANG ZEAL

ANTONIO ALCASID JR.

CAVITE

HARI NG YAMBO

LIFE IS BEAUTIFUL

LOCAL STAKES

LOUIE BALBOA

MAIDEN DIVISION

MANILA JOCKEY CLUB INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with