Espinas pinagmulta ng P20,000 ng PBA
MANILA, Philippines - Wala itong kinalaman sa kanilang quarterfinals match ng No. 1 Barangay Ginebra, ngunit pinagmulta kahapon ng PBA Commissioner’s Office si Alaska forward Gabby Espinas ng P20,000.
Ito ay matapos ang ginawang pagrebisa ng opisina ni PBA Commissioner Chito Salud sa laro ng Aces at Meralco Bolts noong Jan. 20 kung saan natawagan si Espinas ng Flagrant Foul Penalty 1.
Ang naturang penalty ay itinaas sa Flagrant Foul Penalty 2 ni Salud.
“The Flagrant Foul 1 called on Gabby Espinas is hereby upgraded to a flagrant foul 2 for its viciousness and the perceptible intent to play the man and not the ball,†sabi ni Salud sa kanyang official statement.
Dahil sa walang suspensyong ipinataw, patuloy na maglalaro ang 6-foot-4 na si Espinas sa pagsagupa ng Alaska sa Ginebra sa Game Two bukas.
Ito ang magiging ikaapat na sunod na ‘do-or-die game’ ng Aces ni coach Luigi Trillo.
Samantala, ipapatawag ni Salud si Ginebra scorer Mark Caguioa dahil sa pagbagsak nito ng dalawang kamay sa ulo ni Calvin Abueva ng Alaska sa 104-97 panalo ng Aces sa Game One noong Miyerkules.
Tinawagan si Caguioa, ang 2012 PBA Most Valuable Player awardee, ng Flagrant Foul Penalty 1 sa nasabing insidente sa first half.
- Latest