Boxers na biktima ni ‘Yolanda’ tinulungan ng Thai promoter
MANILA, Philippines - Nagbigay kamakailan ang Thai promoter na si Naris Singwangcha ng financial assistance na $500 bawat isa sa 35 boxers na naging biktima ng typhoon Yolanda sa benefit boxing event sa Mandaluyong.
Isa sa kanyang nabigyan ay si Gerry Patino, ang sumisikat na bantamweight fighter mula sa Catarman, Leyte.
“Malaking tulong po sa amin ito para mapagawa nang tuluyan ang bubong namin na tinangay ng bagyo,â€sabi ng 21-gulang na fighter.
Nagsasanay si Patino sa Valenzuela nang manalasa ang super typhoon Yolanda sa Visayas noong Nov. 9 na sinira ang halos kabuuan ng Leyte at marami ang namatay at nawala
“After five days pa po ako nakapunta du’n dahil mahirap po ang biyahe at nakita ko ang bahay namin na durog talaga at walang bubong. Marami rin ka-ming kamag-anak na namatay at ‘yung iba nawawala pa hanggang ngayon,†sabi ni Patino.
Ang tulong ay hindi lamang sa mga naahihirapang boxers. Maging ang International Boxing Federation light flyweight champion na si John Riel Casimero ay kasama sa humingi ng financial aid.
“Medyo marami rin kasi akong tinutulungan at malaki rin ang damage sa bahay namin at halos naubos ang gamit namin dahil sinira ng bagyo,†sabi ni Casimero, nagte-training sa IPI Gym sa Mandaue City.
“We do not discriminate in providing help, whether you are a world champion or a young boxer, if you are from Leyte, you were still a victim. So our help is for all who deserve it,†sabi ni Singwangcha, na tinatawag na ‘ninong’ ng maraming Filipino boxers dahil sa kanyang pagiging matulungin.
“I come to the Philippines very often because the Philippines is my second home. The help I give to Filipino boxers comes from the bottom of my heart and I don’t expect anything in return,†dagdag niya.
May 80 boxers ang humingi ng tulong at 32 ang inaprobahan ng screening committee na kinabibila-ngan ng mga opisyal ng Singwangcha Foundation of Thailand at Games and Amusement Board.
- Latest