^

PM Sports

Davao delegation sa Batang Pinoy binawasan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabawasan ang kinatawan ng Mindanao sa 2013 Batang Pinoy National Finals nang magpasya ang Davao City na huwag magpadala ng buong delegasyon sa kompetisyon na gagawin sa Bacolod City mula Enero 28 hanggang Pebrero 1.

Halos kalahati sa 602 batang manlalaro mula Mindanao na nakakuha ng puwesto sa National Finals ang nanggaling sa Davao City pero ipinarating na ni dating PSC chairman at ngayon ay Davao City Sports Commission head William Ramirez na hindi sila sasali dahil sa kakulangan ng pondo.

Ang mga pambato ng Davao ang nagdomina sa la-rong athletics, boxing at judo sa Mindanao qualifier.

“They told us that they don’t have enough fund to send all athletes who qualified to the Finals. Pero ‘yung mga swimmers na can afford to pay for their own expenses will compete,” wika ni PSC Batang Pinoy Games chairman Atty. Jay Alano.

Ang National Finals ay dapat idinaos noon pang Nobyembre 19 hanggang 23 pero ipinagpaliban ito nang hagupitin ang Kabisayaan ng Super typhoon Yolanda.

Umabot sa 815 ang mga nag-qualify sa Luzon habang may 602 ang pumasa sa Visayas elimination.

Kasabay nito ay inanunsyo rin ni Alano ang pagtanggal sa mga larong pencak silat at soft tennis dahil sa kakulangan ng bilang ng maglalaban. Ang dalawang sport na ito ay kasama ng cycling at triathlon na magsagawa ng kanilang National championships sa Bacolod.

ANG NATIONAL FINALS

BACOLOD CITY

BATANG PINOY GAMES

BATANG PINOY NATIONAL FINALS

DAVAO CITY

DAVAO CITY SPORTS COMMISSION

JAY ALANO

MINDANAO

NATIONAL FINALS

WILLIAM RAMIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with