^

PM Sports

Pinas, 4 pa makakapanorpresa sa 2014 FIBA World Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naniniwala ang world basketball circle na may  magandang hinaharap ang naghihintay sa Pilipinas, Egypt, Mexico at Ukraine matapos ang mahusay nilang kampanya sa kani-kanilang FIBA zones noong 2013 patungo sa paglalaro sa 2014 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14 sa anim na siyudad sa Spain.

Sa pagpasok ng 2014, muling inalala ng FIBA, sa pamamagitan ng kanilang website na www.fiba.com <http://www.fiba.com>, ang nakaraang 2013 FIBA zone championships at pinuri ang Pilipinas Egypt, Me-xico at Ukraine na puwedeng makapanorpresa sa Spain.

Sinabi ng FIBA na ilan lamang ang nagbigay ng prediksyon bago ang qualifying events na hindi makakara-ting ang apat sa FIBA World Cup, ngunit nagawa nila ito.

Bago lumabas ang men’s ranking ng FIBA ay nakapuwesto ang Mexico sa No. 32, habang ang Pilipinas ay No. 45, ang Ukraine ay No. 50 at ang Egypt ay No. 60.

Malaki ang iniakyat nila sa ranking matapos ang zonal competitions.

Ang huling pagkakataon na nakapasok ang isa man sa kanila sa world championship ay noong 1994 nang magtungo ang Egypt sa Toronto at tumapos na No. 14 mula sa kabuuang 16 koponan.

Apat na dekada naman ang nakalipas bago mu-ling maglaro ang Pilipinas sa world meet bilang isang qualifier.

Noong 1978 sumabak ang Pinas na dating Asian basketball powerhouse sa naturang quadrennial event sa huling pagkakataon bilang host country.

“Qualifying for the World Cup is a dream come true,” sabi ni Aseem Marei ng Egypt.

Si Marei ay kasama sa All-Tournament selection sa AfroBasket kung saan naglaro ang Egypt sa gold-medal game.

Ang Pilipinas ang unang nanggulat sa FIBA nang kunin ng Gilas Pilipinas team ang silver medal sa torneong inilaro sa Mall of Asia Arena.

Ang mga opisyales ng FIBA ang naging saksi sa pagdiriwang ng bansa sa 86-79 panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa Korea sa kanilang semifinal battle sa FIBA Asia Championships.

“Gilas Pilipinas has been the toast of Manila ever since, and that’s even after the squad fell to Iran in the final one day after their triumph over Korea,” ayon sa fiba.com <http://fiba.com>.

“Fans have been snapping up copies of the book that has been published titled “11 Days in August - Gilas Pilipinas and the Quest for Basketball Glory.”

Sa kanilang pinakamahalagang laro laban sa Korea, kinuha ng Gilas Pilipinas ang 71-68 abante sa fourth quarter at inungusan ang Korea sa iskoran, 15-11, sa huling limang minuto patungo sa panalo.

Sina Marc Pingris at Jayson Williams ang bumandera sa koponan sa paggupo sa Koreans.

 

ANG PILIPINAS

ASEEM MAREI

ASIA CHAMPIONSHIPS

BASKETBALL GLORY

FIBA

GILAS PILIPINAS

GILAS PILIPINAS AND THE QUEST

PILIPINAS

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with