^

PM Sports

Fajardo bumandera Sa Best Player of the Conference award

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kabila ng hindi niya paglalaro sa nakaraang da­lawang asignatura ng Pet­ron Blaze ay nanatili sa unahan si sophomore cen­ter June Mar Fajardo sa labanan para sa Best Pla­yer of the Conference tro­phy ng 2013-2014 PBA Philippine Cup.

Nagtala ang 6-foot-10 na si Fajardo, nag­karoon ng right knee injury, ng 43.5 statistical points (SPs) average sa likod ng kan­yang mga averages na 17.3 rebounds, 15.5 points, 1.6 assists, 3.0 blocks at 0.4 steals para sa Boosters sa elimination round.

Noong nakaraang 2013 PBA season ay nag­pa­hinga si Fajardo matapos sumailalim sa isang groin surgery.

Dahil dito ay natalo si­ya kay Calvin Abueva ng Alaska para sa 2013 Rookie of the Year award.

Pumapangalawa naman sa Cebuano giant sa labanan para sa Best Pla­yer of the Conference award si Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar.

Nagposte ang 6’8 na si Aguilar ng 41.2 SPs buhat sa kanyang mga averages na 19.8 points, 9.5 boards, 3.8 blocks at 1.4 assists per game para sa kampan­ya ng Gin Kings.

Kasalukuyang nasa isang six-game winning streak ang Ginebra para ha­wakan ang liderato, habang nakabangon naman ang Petron matapos ang da­lawang sunod na kabiguan mula nang maglista ng 7-0 record.

Kasunod nina Fajardo at Aguilar sina 2013 PBA MVP winner Arwind Santos (37.3 SPs) ng Petron, 2013 Philippine Cup BPC titleholder Jason Castro (37.0 SPs) ng Talk ‘N Text at Jay Washington (32.9 SPs).

Nagtala naman si se­ven-foot center Greg Slaughter ng Gin Kings ng 36.5 SPs para upuan ang No. 5 seat sa Best Pla­yer of the Conference race.

Humakot si Slaughter ng mga averages na 15.4 points, 10.4 rebounds at 2.1 blocks para sa Ginebra.

Si Slaughter ang bu­ma­bandera sa mga roo­kies kasunod sina Terrence Romeo (23.8 SPs) ng Globalport, San Mig Coffee center Ian Sanga­lang (20.1 SPs), Rain or Shine slotman Ray­mond Al­mazan (17.8 SPs), Glo­bal­port guard RR Garcia (17.5 SPs), Globalport forward Justin Chua (14.6 SPs) at sina Jeric Teng (12.4 SPs) at Alex Nuyles (12.3 SPs) ng Rain or Shine.

AGUILAR

ALEX NUYLES

BEST PLA

FAJARDO

GIN KINGS

PARA

PHILIPPINE CUP

SHY

SPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with