^

PM Sports

Pilipinas angat sa Thailand sa paramihan ng mga world boxing champions

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa rin nawawala ang Pilipinas bilang isa sa mga matitikas kung sa pro­fes­sional boxing ang pag-uusapan.

Wala sa talaan ng mga world champions sina Man­­ny Pacquiao at Noni­to Donaire, Jr. pero ang Pi­­lipinas ang siyang No. 1 sa hanay ng mga South East Asian countries at pu­mapangalawa sa Asya kung ang bilang ng mga world champions ang ma­gi­ging labanan.

Napanatili nina Donnie Nietes at John Riel Casi­me­ro ang kanilang mga ti­tulo sa WBO at IBF light fly­weight divisions, ayon sa pagkakasunod, habang nadagdag si Merlito Sabil­lo nang kunin ang WBO mi­­nimumweight category para mapantayan pa rin ang tat­long world champions na siyang bilang sa pagtatapos ng 2012.

Si Donaire ang isa pang kampeon noong 2012 pero naisuko niya ang hawak na WBO super bantamweight title kay Guillermo Rigondeaux noong Abril 13.

Tinalo ng Pilipinas sa ran­king ang Thailand sa South East Asia dahil ang na­sabing bansa na kilala ang bangis kung amateur bo­xing ang pag-uusapan ay may isang world champion lamang sa katauhan ni Srisaket Sor Rungvisai.

Si Rungvisai ay hari na­man ng WBC sa super fly­weight di­vision.

Ang bumabanderang ban­­­sa sa paramihan ng mga world boxing champions sa Asya ay ang Japan na may walo.

Ang US ang nangunguna sa 11 world champions, habang ang Mexico ay may pitong world champions at ang Russia ay may apat.

Kasama ang Pilipinas sa ikalima hanggang ika-si­yam na puwesto tangan ang tatlong world champions ng Argentina, Cuba, Ger­many at United Kingdom.

Sa pagpasok ng taong 2014 ay malaki ang pag-asa ng Pilipinas na ma­dagda­gan ang bilang na ito la­lo pa’t mainit ang pagbabalik sa boxing ring nina 8-division world champion Pacquiao at Donaire.

 

vuukle comment

ASYA

CHAMPIONS

DONAIRE

DONNIE NIETES

GUILLERMO RIGONDEAUX

JOHN RIEL CASI

PILIPINAS

SHY

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with