^

PM Sports

Lopez nabalian

Pang-masa

NEW YORK – Nabalian uli si center Brook Lopez ng buto sa kanang  paa kaya mawawalan ang Brooklyn Nets ng leading scorer kung kailan pa naman bumabawi sila.

Inihayag ng team nitong Sabado na nasaktan si Lopez sa 121-120 overtime pagkatalo sa Philadelphia nitong Biyernes. Ayon sa Nets, magbibigay sila ng panibagong update sa susunod na linggo matapos komunsulta sa kanilang mga doctor.

Nagkaroon din ng ganitong injury si  Lopez,  fractured sa fifth metatarsal, nang siya ay malimitahan sa 5-games noong 2011-12 season.

Nagpaopera siya noong nakaraang season para pa-litan ang tabinging screw sa paa. Nag-average si Lopez ng 20.7 points at 6.0 rebounds sa 17 games. Hindi siya nakalaro ng 9-games dahil sa sprained left ankle.

Walang indikasyon kung seryoso ang kanyang injury noong Biyernes nang maglaro ito ng 44 minutes.

Ang 7-footer mula sa Stanford ay hindi nagmintis ng laro sa kanyang unang tatlong  seasons ngunit matapos ito ay wala na siyang nabuong season.

Nagmintis siya ng seven games noong nakaraang season nang ma-sprain ang kanyang naturang paa.

vuukle comment

AYON

BIYERNES

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

INIHAYAG

LOPEZ

NABALIAN

NAGKAROON

NAGMINTIS

NAGPAOPERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with