Wagi ang John's Memory
MANILA, Philippines - Nakuha ng John’s MeÂmory ang ikalawang diÂkit na panalo sa buwan ng Disyembre matapos maÂÂnalo noong Biyernes ng gaÂbi sa Metro Turf sa MalÂvar, Batangas.
Bumangon ang kabaÂyong iginiya ni Jonathan HerÂnandez mula sa malaÂyong ika-limang puwesto at ginamit ang balya para makumpleto ang pagreÂmaÂte sa 1,200-metro distansya.
Walong kabayo ang nagÂbalikatan, kasama ang coupled entries na Miss Malapia at Luna Rossa at ang mga kabayong I Am On Fire, Alpha Alleanza, Esprit De Corps at Luna RosÂsa.
Pero nagkawatak-waÂtak ang mga kabayo at naÂkasingit sa balya ang naÂdehado pang John’s MeÂmory para manalo ng haÂlos tatlong dipa sa I Am On Fire ni AG Avila.
Noong Disyembre 8 huling nanalo ang John’s Memory at ang tagumpay sa karera ay nagpasok ng P26.00 sa win, habang ang 1-4 forecast ay may P60.00 dibidendo.
Samantala, may 12 kaÂrera ang nakahanay sa pagÂtatapos ng isang linggong pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Dalawang karera rito ay sinahugan ng added prize sa mananalo ng P10,000.00 na handog ng PhilÂracom.
Ang una ay ang 2YO Maiden Division race na sasalihan ng Limit Less, ProÂverb, Señorita Rita, Rob The Bouncer, Queen Elisabita, Lovely Ycee at Sinulog na paglalabanan sa 1,300-metro distansya.
Isang 3YO and Above Maiden Division race ang ikalawang karera at ang mga taÂtakbo ay ang Cruize ConÂtrol, Bad Boy Migi, Time Of My Life, Ecstatic Pebbles, NagniÂningning, Forever Green.
Ang Flying Honor ay mula sa segunda puÂÂwesÂtong pagtatapos at angat sa hanay, habang ang Ecstatic Pebbles at Time Of My Life ang maaaÂring magÂlaban sa 3YO and Above race.
- Latest