^

PM Sports

Overall champion ang Thailand, team Philippines nagtapos sa no. 7

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangyari na ang kina­ta­takutang paglapag sa pi­nakamasamang ika-pi­tong puwesto ang Pilipinas sa 27th SEA Games nang tatlong ginto lamang ang napanalunan isang araw bago magwakas ang kom­petisyon sa Nay Pyi Taw sa Myanmar.

Sina Kirstie Elaine Alo­ra at Kristopher Ro­bert Uy ay naghatid ng dalawang ginto sa taek­wondo para higitan ang tinapos noong 2011 sa Indonesia, habang si Precious Ocaya ang sinandalan upang hindi mabokya ang bansa sa muay.

Pero isang pilak lamang ang naihatid ng ASEAN chess team na bi­­nubuo nina GMs John Paul Gomez, Darwin Lay­lo, Eugene Torre at Ro­gelio Antonio Jr., habang si judoka Angele Gabriel Gumila ay may bronze medal sa men’s -90kg. class para mabigong ma­abot ang pang-anim na pu­westo sa kompetisyon.

Tanging ang sepak tak­raw lamang ang pag­lalabanan sa pagsasara ng tabing ngayon at kahit palarin pa ang mga na­sa semifinals na sina Em­manuel Escote, Jason Hurte at Rhey Jhey Or­touste na makuha ang gin­to ay hindi na rin aabot ang Pilipinas sa Singapore na nasa ika-anim na pu­wes­to.

May 29 ginto, 33 pilak at 37 bronze medals ang nakuha ng 210-bilang ng pambansang atleta at kapos sila ng limang ginto para mapatalsik ang Singapore na mayroong 34 ginto, 29 pilak at 44 bronze medals.

Hanggang sa huli ay ginamitan pa rin ng hometown decision ng host country ang panlaban ng Pilipinas nang si Philip Delarmino ay natalo sa pam­bato nilang si Saw Dar Pot sa men’s minus 54 kgs. kahit apat na beses itong tumumba sa tatlong round na bakbakan.

Hindi naman lahat ay uuwi ng malungkot at isa na sa masaya ay ang taekwondo delegation na tumapos bitbit ang apat na ginto, apat na pilak at pitong tansong medalya na mas mataas sa 4-3-5 na naitala noong 2011 edition.

Napanatili pa ni Alora ang titulo sa women’s hea­vy­weight nang talunin si London Olympian ng Cambodia na si Sorn Davin sa dikitang 6-4 iskor.

Ang head kick ni Alo­ra sa second  round ang nagbigay ng 5-3 kalama­ngan bagay na kanyang na­protektahan para sa pa­nalo.

Hindi naman nagpahuli ang baguhang si Uy, isang gold medalist ng La Salle sa UAAP taekwondo na isinantabi ang 2-6 iskor tungo sa 7-6 panalo laban kay Quang Duc Dinh ng Vietnam.

Sa apat na ginto ng mga jins, sila ang ikalawang may pinakamagandang ipi­nakita sa mga NSAs sa kompetisyon.

Ang delegasyon ng athletics ang siyang No. 1 ngayong taon.

Ito ay matapos maghatid ng kabuuang anim na ginto bukod sa apat na pilak at tatlong bronze me­dals ang koponan sa na­turang biennial event.

vuukle comment

ANGELE GABRIEL GUMILA

ANTONIO JR.

DARWIN LAY

EUGENE TORRE

GINTO

JASON HURTE

JOHN PAUL GOMEZ

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with