^

PM Sports

Kaya pang mag-6th

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbunga agad ang unang paglahok ni taekwondo jin Jade Safra para tulungan ang Pilipinas na nagsubi ng tatlo pang ginto sa 27th SEA Games kahapon sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

Ang tinalo ng 23-an-yos na si Safra ay ang 2011 SEAG champion sa women’s 53-57 kilogram division na si Worapong Pongpanit ng Thailand sa pamamagitan ng 7-1 dominasyon.

Lumabas na ang semifinals bout ni Zafra ang pinakamatindi sa tatlong nilabanan dahil nauwi sa 9-9 ang iskor nila ni Thi Thanh Lam ng Vietnam at tinalo lamang niya ito sa mabilis na sipa na tumama sa ulo ng kalaban.

Ang unang laro niya ay kontra kay Bunna Cheang ng Cambodia na kanyang inilampaso, 15-1.

Isa ring baguhan sa SEAG ay ang Fil-Am na si Daniel Caluag ngunit hindi pa man nagsisimula ang karera ay itinalaga na siyang gold medalist sa paboritong BMX  competition sa bisa ng pagiging nag-iisang Asian rider na nakapasok sa London Olympics noong 2012.

Hindi naman napahiya si Caluag na kinuha ang 350-metro karera sa 31.994 segundo tiyempo. Tinalo niya ang nakababatang kapatid na si Chris na may 32.555 segundo bago pumangatlo ang Indonesian rider na si Bagus Saputra sa 32.825 segundo.

Ang pangatlong ginto ay ibinigay ng 4x400m relay team na binuo nina Isidro del Prado Jr., Edgardo Alejan, Julius Nierras at ang 400m gold medalist  na si Archand Christian Bagsit.

Isinantabi ng apat na ito ang hamon ng Thailand nang maorasan ng 3:09.32 laban sa 3:09.81.

Natalo ang inilahok ng bansa sa Malaysia ngunit matapos ang drug testing ay isang Malaysian runner ang bumagsak para bawiin ang ginto at ibigay sa Pinas.

Natapos kahapon ang athletics competition at ang delegasyong inilaban ng PATAFA ang lalabas na pinakaproduktibong NSA sa 27th SEAG sa kinubrang anim na ginto bukod pa sa apat na pilak at tatlong bronze medals.

Sa patuloy na pagsikad ng Pambansang manlalaro ay palaban pa ang Pilipinas sa sixth place.

May 23 ginto, 27 pilak at 30 bronze medals na ang Pambansang koponan at kapos na lamang ng dalawang ginto sa nasa ikaanim na puwesto sa standings na Singapore sa 25-24-32 medal tally.

Aasahan pa ng Pilipinas ang mga muay artists na sina Jonathan Polosan, Presciosa Ocaya at Philip Delarmino na nasa Finals.

May mga panlaban pa sa taekwondo habang si World women’s 10-ball titlist Rubilen Amit ay lumalaban pa.

Malabo ng matinag sa unang puwesto ang Thailand sa kanilang 80 ginto, 79 pilak at 66 bronze medals habang ang mga nakasunod ay ang Vietnam (64-60-69), host Myanmar (60-51-56), Indonesia (54-62-84) at Malaysia (32-33-63).

vuukle comment

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

BAGUS SAPUTRA

BUNNA CHEANG

DANIEL CALUAG

EDGARDO ALEJAN

GINTO

JADE SAFRA

JONATHAN POLOSAN

JULIUS NIERRAS

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with