Houston nakalusot sa San Antonio
SAN ANTONIO – Sinayang ng Houston Rockets ang 23-point lead, panay ang foul kay si Dwight Howard at nagkaisa ang San Antonio Spurs crowd laban sa kanila sa mga huling maiinit na minuto ng labanan.
Puno ng tensiyon ang sitwasyon na maaaring sinukuan na ng Houston, ayon kay James Harden ngunit ipinakita ng Rockets nitong Sabado ng gabi na ibang koponan na ang Houston ngayon.
Umiskor si Harden ng 31-points at may 25 si Chandler Parsons nang takasan ng Houston ang second-half rally upang igupo ang San Antonio, 112-106 para sa kanilang unang pagkatalo sa sari-ling balwarte.
“It’s a great win for us,†sabi ni Harden. “Last year we probably would have caved in; they would have beaten us by a lot. So, this year the improvement we’ve adjusted to has been tremendous. A back-to-back in San Antonio is always tough, but we showed resiliency and pulled out a great win.â€
Sa Dallas, umiskor si Kevin Martin ng 27 points kabilang ang key baskets sa huling maiinit na bahagi ng labanan at naghatid din si Kevin Love ng kanyang double-double nang wakasan ng Timberwolves ang three-game losing streak sa pamamagitan ng 112-106 panalo kontra sa dumadausdos na Dallas Mavericks.
Sa Phoenix, nagpasiklab si rookie Trey Burke sa kanyang murang NBA career sa pagkamada ng 20 points upang pangunahan ang pitong Utah players na may double figures tungo sa unang road victory ng Jazz ngayong season kontra sa Phoenix Suns, 112-104.
- Latest