Hog’s Breath tumatag sa solo 2nd
MANILA, Philippines - Umarangkada ang kamay ni Philip Paniamogan sa ikatlong yugto kung saan lumayo ang Hog’s Breath tungo sa 93-69 panalo sa Cebuana Lhuillier sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.
Mula sa 47-46 iskor ay pinagningas ni Paniamogan ang 25-9 palitan sa ibinagsak na 10 puntos para hawakan ang 72-55 kalamangan papasok sa huling yugto.
Tumapos ang gunner mula Jose Rizal University bitbit ang 19 puntos, si Jamil Gabawan ay nagdagdag ng 14 at si Bacon Austria ay may 10 para sa Razorbacks na sinolo uli ang pangalawang puwesto sa 4-0 panalo-talo.
“I keep telling the players to step up the pace. I think our speed is our best chance to win and I thought we did a good job executing our running game,†wika ni Hog’s Breath Café coach Caloy Garcia.
Ang mga guards na sina James Martinez at Paul Zamar ay mayroong 18 at 14 puntos pero hindi pa rin gumana ang ibang manlalaro ng Gems para bumaba sa ikaapat na pagkatalo matapos ang limang laro.
Si Roi Sumang na gumawa ng 20 puntos sa 78-81 pagkatalo ng Gems sa Big Chill sa huling laro ay hindi nakasama ng koponan dahil naglaro siya sa UE sa PCCL.
Samantala, gumamit ng 27-8 run ang Blackwater Sports sa ikalawang yugto upang trangkuhan ang 91-69 demolisyon sa Zambales M-Builders sa unang laro.
Si Kevin Ferrer ay may 17 puntos, si Gio Ciriacruz ay nagdagdag ng 11 at si Jericho Cruz ay may 10 at walo rito ay ibinuhos sa second quarter na nagbigay ng 44-22 halftime lead sa Elite.
“Our next couple of games are against tough teams and we need this win as our confidence builder,†wika ni Elite coach Leo Isaac.
Ang M-Builders ay natalo sa ikaapat na pagkaka-taon laban sa dalawang panalo at si Michael Tolomia ang namuno sa kanyang tropa sa 14 puntos.
- Latest