^

PM Sports

Warriors tumulong din sa mga biktima ni Yolanda

Pang-masa

MANILA, Philippines - Idaraos ng Golden State Warriors ang annual Filipino Heritage Night nitong Sabado para makisama sa mga biktima ng Super Typhoon Haiyan na kumitil na ng mahigit 3,600 buhay sa Pilipinas noong nakaraang linggo.

Ang mga fans na gustong tumulong sa mga biktima ng Super Typhoon Haiyan ay hinihikayat na magbigay sa Red Cross representatives sa Oracle Arena o i-text ang kanilang $10 donation sa UNICEF USA para makatulong.

Magbebenta ang Warriors ng adidas Filipino Heritage t-shirt sa WarriorsTeamStore.com, kung saan ang 10% ng kikitain ay ipangsusuporta sa Doctors Without Borders na tumutulong sa mga naapektuhan ng bagyo. Para makatulong sa ibang paraan, bisitahin ang www.nbacares.com.

Ang Filipino Heritage Night festivities ay kinapalooban ng pregame martial arts demonstration ni Eskabo Daan club ng San Francisco at halftime music at dance performances ng American Center of Philippine Arts.

 

AMERICAN CENTER OF PHILIPPINE ARTS

ANG FILIPINO HERITAGE NIGHT

DOCTORS WITHOUT BORDERS

ESKABO DAAN

FILIPINO HERITAGE

FILIPINO HERITAGE NIGHT

GOLDEN STATE WARRIORS

ORACLE ARENA

RED CROSS

SUPER TYPHOON HAIYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with