^

PM Sports

Phl junior gymnasts nag-uwi ng 71 medalya

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kabuuang 71 medalya, kasama dito ang 22 ginto, ang inangkin ng Philippine gymnastics junior team sa katatapos na PRIME Gymnastics International Invitational Championships sa Bisham Sport Stadium sa Singapore.

Kumuha ng tig-limang gold medals sina Southeast Asian Games campaigner Carlos Yulo at Fortunato Abad sa kani-kanilang dibisyon para hirangin bilang Filipino bets na may pinakamaraming medalya sa torneong sinalihan din ng mga top junior players sa rehiyon at mula sa Australia.

Tinalo ni Yulo, ang top bet ng bansa para sa 2014 Asian Youth Olympics sa Nanjing, China, ang mga atleta ng Malaysia at Indonesia sa floor exercise (13.900), rings (6.627), vault (12.750) at horizontal bar (5.970).

Nagbulsa siya ng silver medal sa overall individual standings.

Tinulungan din niya ang Team Phl para sa team gold sa pagtatala ng total score na 159.55 points.

Pinitas ni Allen Christopher Lim ang overall individual gold sa kanyang 57.664 points nang dominahin ang pommel horse (10.440) at silver sa rings (6.167), vault (12.520) at horizontal bar (5.370).

Tumapos si Jag Timbang sa third overall mula sa isinumiteng 49.127 points sa pag-angkin sa silver medals sa floor (12.400), pummel horsen (9.540) at vault (12.520).

Kumuha rin siya ng bronze medals sa parallel bar (6.100) at horizontal bar (5.000).

Nag-ambag si Rafael Ablaza ng bronze sa ring (5.967) at parallel bar (6.267).

ALLEN CHRISTOPHER LIM

ASIAN YOUTH OLYMPICS

BISHAM SPORT STADIUM

CARLOS YULO

FORTUNATO ABAD

GYMNASTICS INTERNATIONAL INVITATIONAL CHAMPIONSHIPS

JAG TIMBANG

KUMUHA

RAFAEL ABLAZA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with