Rigondeaux ‘di uurong sa rematch vs Donaire
MANILA, Philippines - Hindi ipagkakait ng walang talong Cuban champion na si Guillermo Rigondeaux ang kagustuhan ni Nonito “Filipino Flash†Donaire Jr. na maglaban sila uli.
Positibo ang tugon ni Rigondeaux sa rematch na nais ni Donaire na kanyang ipinanawagan matapos ang Technical Knockout (TKO) panalo kay Vic Darchinyan sa ninth round noong Linggo sa American Bank Center sa Corpus Christi sa Texas.
“I am the king at 122. If Nonito wants it, we can meet in Miami on March, 2014,†wika ni Rigondeaux sa panayam ng Boxingscene.
Nais ni Donaire na makabawi sa unanimous decision na pagkatalo kay Rigondeaux noong Abril 13 sa unification fight sa pagitan ng WBA at WBO sa super bantamweight division.
Nararamdaman ni Donaire na ito na ang pagkakataon na dapat mangyari ang rematch matapos pabagsakin si Darchinyan at isantabi ang kalamangan ng Armenian boxer sa da-lawang scorecards matapos ang walong round.
Noong unang nagkrus ang landas nina Donaire at Rigondeaux ay masasabing hindi buhos ang isipan ng una sa paghahanda dahil buntis pa noon ang maybahay na si Rachel. Patuloy na rin ang alitan sa pamilya ni Donaire sa mga panahong iyon.
Pero maayos na naisilang ni Rachel ang anak na lalaki habang nasa kampo uli ni Donaire ang amang si Nonito Sr.
Ngunit para mangyari ang rematch, kailangan munang manalo si Rigondeaux (12-0, 8KOs) sa kanyang title defense kontra kay Joseph Agbeko sa Disyembre 8.
Sa panig ni Donaire, pahinga uli siya at ipasusuri ang pisngi na tinamaan ng malakas na suntok ni Darchinyan upang matiyak na ayos na ayos ang kanyang pa-ngangatawan kung sakaling matuloy ang rematch nila ni Rigondeaux.
- Latest