Bradley-Pacquiao rematch
MANILA, Philippines - Kung si Joel Diaz, ang trainer ni World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Timothy BradÂley, Jr. ang tatanungin, gusto niyang magkaroon ng rematch sina Bradley at Manny Pacquiao.
Sa isang online chat sa MyDesert.com, sinabi ni Diaz na gusto na niyang burahin ang sinasabing kontrobersyal na split decision win ni Bradley kay Pacquiao noong Hunyo 9, 2012 para agawin ng American fighter ang suot na WBO title ni ‘Pacman’.
Maraming fans at media members ang nagsabing si Pacquiao ang nagdomina ng laban.
“Honestly, after that fight, I was happy,†wika ni Diaz. “When the bell rang, whether they gave us the decision or not, he was a winner. He went 12 rounds with Manny Pacquiao, the most devastating puncher in the business, and he was clean. And he had a broken ankle and he didn’t run. He was in front of Manny Pacquiao all night. But a lot of people don’t see that.â€
Nakatakdang labanan ni Pacquiao si Brandon Rios sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
Inalok ng Top Rank Promotions si Bradley ng rematch kay Pacquiao para sa premyong $6 milyon.
Ngunit tinanggihan ito ni Bradley at sa halip ay nagÂdepensa kay Juan Manuel Marquez para sa presÂyong $4.1 milyon.
Tinalo ni Bradley si Marquez para sa kanyang ikaÂlaÂwang sunod na pagtatanggol sa WBO belt matapos takasan si Ruslan Provodnikov noong Marso.
- Latest