^

PM Sports

San Beda na ang No. 1

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinandalan ng San Beda ang katatagan nina Rome dela Rosa, Arthur dela Cruz at Baser Amer sa huling 64 segundo  upang maipaghiganti ang naunang pagkatalo sa Letran sa 76-72 overtime panalo sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ang apat na sunod na puntos ni Mark Cruz ang nagpatikim ng 72-70 kalamangan sa Knights ngunit hindi napigil ng depensa ang tatlong beterano ng Lions para maagaw sa Letran ang liderato sa liga.

Si Dela Rosa ay kumana ng dalawang freethrows para itabla sa ikalima at huling pagkakataon ang iskor bago pinalamang ni Dela Cruz ang Lions sa followup sa sablay ni Amer.

Binawi naman ni Amer ang naunang pangyayari nang  ipasok ang dalawang  freethrows matapos sumablay si Jo-nathan Belorio at ang Lions ay umangat uli sa  tuktok sa 14-3 baraha.

Nanguna sa koponan si Ola Adeogun sa kanyang 26 puntos  at 26 rebounds bukod sa 2 blocks at ang Lions ay kailangan na lamang na manalo sa Arellano para selyuhan ang number one seeding sa Final Four.

Naunang binigyan ng kasiyahan ang panatiko ng Beda nang kunin ng Red Cubs ang 95-84 panalo sa juniors division.

Sina Javee Mocon, Ranbill Angelo Tongco, Arvin Tolentino at Marc Diputado ay nagsanib sa 66 puntos para sa Cubs.

Ito ang ika-17 sunod na panalo ng Cubs at kailangan na lamang na maipanalo ang huling laro sa Arellano para makumpleto ang sweep  sa elimination round at dumiretso na sa finals.

Samantala, gumawa  ng record ang Lyceum matapos ang tatlong taon ng paglalaro nang talunin ang host St. Benilde, 66-54, sa naunang seniors play.

Ito ang huling laro ng Pirates sa liga at tumapos ang tropa ni coach Bonnie Tan taglay ang 8-10 marka para higitan ang 7-11 baraha sa unang taon noong 2011.

LPU 66 - Zamora 21, Mbomiko 12, Mendoza 10, Baltazar 9, Ko 7, Francisco 4, Ambohot 3.

CSB 54 - Bartolo 13, Romero 12, Grey 12, Taha 5, Jonson 4, Garcia 4, Nayve 2, Ongtenco 2.

Quarterscores: 20-11, 32-23, 44-49, 66-54.

SBC 76 - Adeogun 26, Dela Rosa 13, Amer 12, Dela Cruz 8, Sara 7, Koga 4, Semerad D. 4, Abarcar 2.

CSJL 72 - Cruz 25, Almazan 13, Racal 11, Tambeling 10, Belorio 9, Gabawan 2, Ruaya 2.

Quarterscores: 14-9, 28-19, 36-43, 64-64, 76-72

AMER

ARELLANO

ARVIN TOLENTINO

BASER AMER

BELORIO

BONNIE TAN

CRUZ

DELA CRUZ

DELA ROSA

FINAL FOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with