Road Warriors nahihirapang makabuo ng team
MANILA, Philippines - Ang nakatakdang pag-alis nina seven-footer Greg Slaughter, shooting-guard RR Garcia at forward Eric Camson, na nag-apply sa paparating na PBA Rookie Draft na nakatakda sa Nov. 3 ay nagtulak sa defending champion Road Warriors na bumuo ng school-based team tampok ang core ng NCAA champion San Beda Red Lions.
Ngunit sinabi ni Fernandez na nahihirapan siyang buuin ang kanyang roster dahil hindi pa tapos ang NCAA basketball season. Hindi pinapayagan ng collegiate league ang kanilang mga players na mag-practice o pumir-ma sa mga commercial teams kapag ongoing pa ang tournament.
“Frankly speaking I still don’t know who will be my holdovers and new players until now because the NCAA season is still in its elimination phase and players are not allowed to practice or sign up with teams,†sabi ni Fernandez, na nabigo sa ikalimang sunod na titulo matapos ipagkait ng nagkampeong Blackwater Sports sa nakaraang Foundation Cup. “Hopefully we can still be competitive this conference and defend our crown.â€
Ang Aspirants’ Cup ay magbubukas sa October 24 sa pamamagitan ng double-header sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Labing-apat na koponan kabilang ang mga baguhang Arellano University, Banco de Oro, Derulo Accelero Oilers, Zambales M-Builders at Wang’s Basketball Team ang kalahok sa tournament.
Ang iba pang kasali ay ang Blackwater Sports, Big Chill, Cebuana Lhuillier, Café France, Boracay Rum, Cagayan Valley, Hog’s Breath at Jumbo Plastic.
Ang tournament format ay single-round robin eliminations kung saan ang top two teams ay may outright semifinal berths. Ang susunod na apat na teams ay uusad sa quarterfinals kung saan ang 3rd at 4th ranked ay magkakaroon ng twice-to-beat advantage.
Ang bottom eight teams ay mae- eliminated.
- Latest