^

PM Sports

Unang buga ng Blazers

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pamumuno nina import Elijah Millsap, Marcio Lassiter at Chris Lutz sa fourth quarter, tinalo ng Petron Blaze ang San Mig Coffee, 100-84, sa Game One ng kanilang best-of-seven championship series para sa 2013 PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala sina Millsap, Lassiter at Lutz ng pinagsamang 33 points sa kabuuan ng fourth period para sa Boosters.

Matapos maagaw ng San Mig Coffee ang unahan sa third period, 61-59, ay kumamada sina Millsap, Lassiter at Lutz sa final canto para ibigay sa Petron ang isang 13-point advantage, 85-72, sa ilalim ng huling apat na minuto at tiyakin ang kanilang tagumpay.

Nauna dito, binuksan ng Petron ang laro sa pamamagitan ng 10-4 abante patungo sa pagtatala ng isang 13-point lead, 19-6, sa 5:15 ng first period.

Naitabla ng San Mig ang labanan sa 36-36 mula sa basket ni Marc Pingris sa 3:17 ng second quarter bago muli silang naiwanan sa halftime, 36-41.

Samantala, dahil sa panalo ng Air21 sa isinagawang draft lottery sa halftime ay nakamit ng Barangay Ginebra ang first overall pick para sa darating na 2013 PBA Rookie Draft sa Nobyembre 3 sa Robinsons Place Ermita.

Nakuha ng Gin Kings ang draft rights ng Express para sa No. 1 pick matapos ang isang multi-team trade na nagdala kina John Wilson at Niño ‘KG’ Canaleta sa Air21 bago ang pagsisimula season.

Ang San Mig Coffee ang may hawak naman ng second pick overall.

 

vuukle comment

ANG SAN MIG COFFEE

BARANGAY GINEBRA

CHRIS LUTZ

ELIJAH MILLSAP

GAME ONE

GIN KINGS

JOHN WILSON

LASSITER

LUTZ

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with