Harper bibisitahin ang mga Pinoy fans ngayon
MANILA, Philippines - Darating ngayon sa bansa si dating Chicago Bull at Los Angeles Laker Ron Harper para pangunahan ang NBA Fan Fiesta ng NBA Cares.
Maliban sa pagbisita ni Harper ay masisiyahan ang mga Pinoy basketball fans sa paghaharap din ng Houston Rockets at ng Indiana Pacers sa NBA Global Games Philippines 2013 sa Mall of Asia Arena sa Oktubre 10.
Makakasama rin ang mga NBA dance teams at team mascots at ang trio nina NBA Legends Clyde Drexler, Robert Horry at Jalen Rose para sa NBA fever.
Ito ang unang pagkakataon na pupunta si Harper sa Manila kung saan siya makakasama sa mga NBA festivities at pagpapalaganap ng NBA basketball goodwill sa mga Filipino fans.
Bukod sa Bulls, nag-laro rin si Harper para sa Lakers mula 1999 hanggang 2001.
Miyembro siya ng Lakers squad na umangkin sa 2001 NBA title para sa kabuuan niyang limang NBA championship. Isa siya sa apat na players sa NBA history na nakakuha ng multiple NBA titles sa dalawang magkaibang NBA franchises.
Kaagad na sasabak si Harper sa isang event bukas sa Activity Center ng SM Megamall.
- Latest