^

PM Sports

Scalping ng tickets aaksiyunan ng UAAP

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi palalampasin ng UAAP ang nangyayaring scalping dahilan upang magmahal ng sobra ang mga tiket para sa Game Two ng finals sa pagitan ng UST at La Salle ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa panayam kay UAAP board secretary Malou Isip ng Adamson, mamatyagan nilang mabuti ang mga sections sa Big Dome na maaaring magkaroon ng aberya sa upuan at parurusahan ang mga mapapatunayan na gumawa ng illegal na pagbebenta ng ticket.

Dahil limitado ang upuan sa Araneta, naniniwala si Isip na may palusot na ticket na siyang ibinebenta sa mga scalpers.

“They need to realize Araneta Coliseum’s capacity and not everyone can enter the venue. Our 80% ticket allotment were already distributed and divided to the two concerned schools,” wika ni Isip.

“When we see the seat section, we can identify where it (ticket) came from, UST, La Salle or Araneta,” sabi ng UAAP official.

Nagbenta kahapon ng ticket ang venue ngunit kaunti lamang ang nabili rito.

May mga mabibili sa online ngunit sobra-sobra ang patong ng presyo tulad ng ticket para sa Upperbox A na nagkahalaga lamang ng P800 ay inilalako sa P12,000 bawat isa.

Payo lamang ni Isip sakaling wala na talagang mabili ang mga nais na manood ay makontento na lamang sa panonood sa telebisyon at huwag patulan ang mga presyo ng scalpers.

“The UAAP denounces such overpricing of tickets and UAAP basketball fans are advised not to deal with scalpers,” pahayag ni Isip.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may scalping na nangyayari sa Big Dome at ang laro dati na tinitira ng mga scalpers ay ang tagisan ng magkaribal na La Salle at Ateneo.

ARANETA

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

GAME TWO

ISIP

LA SALLE

MALOU ISIP

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with